Examination Day
“Your classroom looks.. a mess."
Napalunok ako. Iba talaga! Iba 'yung aura ni Mrs. De Villa. May kung ano sa kanyang nakakatakot. Para syang mangangain ng buhay. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko non at sinagot sagot ko sya noon.
Inikot nya ang paningin nya hanggang sa mapunta sa locker na nasa likod. Eto 'yung lagayan ng mga gamit NILA. Ayaw kasi akong payagan na ilagay ang gamit ko dun, kesyo hindi naman daw ako belong. Pinabayaan ko nalang din, lamunin nila kung gusto nila!
“That locker. Kukunin na namin 'yan sa alin mang araw ngayong linggo.” pagturo nya sa locker.
Kukunin nila? Bakit?
“Huwag naman, ma'am!"
“Bakit nyo kukunin?"
“Bakit namin kukunin? It looks like an old trash.” maawtoridad nyang tugon.
Nagiging intense na dito sa classroom. Kinuha ko 'yung pagkakataon na 'yun para magsagot. So far, 'yung mga tanong dito ay napagaralan na este tinuro na ni Lolo M in advance kaya kahit umabsent ako ng isang linggo, alam ko parin 'yung mga pinagaralan.
“We own that locker." Boses ni Zero! Aba, himala ata at nakakasagot sya ngayon kay Mrs. De Villa. “And we refuse to remove it."
Tapos na!
Napatunghay ako at nakita ko ang pagngisi ni Mrs. De Villa. Pumunta sya sa may pinakanggitna at saka inayos ang mga test papers na nandon.
“We'll talk about that soon, Mr. Zero."
Lamig!
Mulat na mulat ako ngayon. Bakit ang lulupit ng professors nila dito? Nagigising tuloy ang diwa ko.
“Pass your papers! Times up."
Times up na? Shocks, buti nalang pala nakatapos na agad ako magsagot!
So far, confident naman ako sa papel ko. Alam ko namang nabigyan ko ng hustisya ang bawat tanong.
“Hala, hindi pa ako tapos!"
“Omg, isa nalang ako huhu."
“YESS! NAKAABOT AKO!”
Kanya kanyang reaction. Isa na don si Mindy na hindi pa pala nakatapos. Yan, kung ano ano kasing ginagawa! Siguro inuna nya ang pakikipagchismisan kesa magsagot.
“Any papers? Makes sure to pass your paper! Hindi na ako tatanggap ng papel na pahuli huli."
Agad namang parang kiti kiti ang mga Egg Warriors, ang kaninang hindi nila mabitawan na test papers ay nasa unahan na. Siguro natatakot sila. Well, kahit ako naman natatakot. Add the fact na napakaimportante ng examination sa school na 'to.
“Is this all?” Walang sumagot sa kanya. “Alright, next exam is English. I'll be giving you 30 minutes only to answer this 40 items test. Finish or not finish, you're going to submit it. I strictly prohibit cheating. Ang makita kong manunulad at nanghahaba ang leeg ay mapaparusahan.”
Lupit.
Ngayon alam ko na kung bakit sya ang Guidance Counselor. Napakastrict nya. Napalunok ako, kinakabahan ako bigla. Pero English na ang kasunod, keri ko naman siguro 'yun. I'm englishining person naman.
“Hoy, Tim. Amina uli 'yung vicks mo."
Nilingon ko si Tim na nasa kalapit ni Gray sa likudan. Nagwait sign sya sa'kin bago halungkatin 'yung bag nya. Ang bagal!
![](https://img.wattpad.com/cover/329707806-288-k867672.jpg)
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Ficção AdolescenteAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...