Reunion
Today is friday. Dalawang araw na ako dito sa Mansion ni Lolo M. Wala lang, nagmamaganda lang. Charot. Nagiisip isip lang kung anong magiging desisyon ko. Ayokong magsisi sa huli ika nga ni Lolo M at Spade.
Naalala ko na naman 'yung pagiinarte ni Spade kahapon. Ayaw patawag ng kuya, psh. Edi wag! Madali naman akong kausap. Bala siya dyan.
Nandito lang ako sa kwarto ko, nakahiga lang ako sa kama. Magaalas sinko na ng hapon. Wala akong ibang ginawa dito mula nung isang araw kundi kumain, matulog, magpahinga. Si Spade lang din naman ang lagi kong kausap dahil medyo busy si Lolo M. Wala ring ibang kumakausap sa'kin kapag tinatry kong kausapin 'yung mga maid. Kaya eto ako sa kwarto, nagkukulong. Natatakot ata sila sa'kin eh.
Hindi naman ako nangangagat eh!
Buksan ko kaya ang phone ko?
“Huwag na nga lang.”
Kapag binuksan ko 'yung phone ko, siguradong bubungad na naman sa'kin ang messages galing dun sa mga Egg Warriors. Napakakukulit. Sino nga kayang nagsabi sa kanilang nakipagtanan ako? Si Kuya kaya?
Napailing nalang ako sa naisip. Napamaloko talaga ni kuya kahit kelan.
Ano nga kaya? Papasok ba ako o hindi?
Hmm.. Kapag pumasok ako magugulo na naman ang nananahimik na buhay ko. Sari-sari na naman ang sasabihin nila sa'kin, ibubully na naman nila ako. Mainit na naman ang mata sa'kin nina Yvo, Nero, ni Tristan. Hindi ko alam kung anong magiging kalalabasan ng buhay ko kapag pinagpatuloy ko ang pagpasok.
Huwag nalang kaya?
'Ano naman kung matalo, atleast lumaban 'diba?' Bigla nalang nagflashback sa'kin 'yung sinabi ko kay Zero. 'Yun yung time na nakikipagtalo ako kung sasali kami sa debate o hindi. Nung mga panahon na 'yon, hindi pa rin pinakinggan ni Zero 'yung opinyon ko pero proud ako sa sarili ko non. Kasi hindi ako sumuko, tumuloy ako kasama sina Nadya. Nagprepare kami sa debate, hindi nga lang natuloy. Pero proud pa rin ako sa sarili ko, kasi lumaban ako, kami para sa buong Class Z.
Kahit na hindi ko alam ang kalalabasan, pinush ko pa rin. Kasi hindi naman natin malalaman 'yung resulta kung hindi itatry. Tama.. Hindi malalaman kung hindi itatry.
Naging sarado 'yung utak ko. Hindi ko pala dapat sinabi na magdadrop-out ako ng ganon ganon lang. Dapat naisip ko muna na mas maraming mawawala sa'kin kapag nagdrop ako. Siguro kaya hindi rin ako pinayagang magdrop-out dahil gusto na maging matapang ako't harapin ang hamon na 'to. Tanga ko, dapat pala hindi ko tinatakbuhan. Hindi dapat ako nagpadala sa emosyon ko. Hindi dapat ako naging makasarili. Kahit pa sinabi ni kuyang pwede akong magdrop dapat inisip ko pa rin siya, pati na ang ibang tao na may tiwala sa'king makakatapos ako ng pag-aaral.
Alam kong nadisappoint ko sila. Si kuya, si Lolo M, si Spade lalo na ang sarili ko. Hindi dapat ako hanggang dito lang. Pinanghawakan ko dapat ang pangako ko kuya na makakatapos ako, ang pangako ko kay Lolo M na sama sama kaming makakaalis sa Class Z at ang pangako ko sa sarili ko na bago ko makita si Papa ay may maipagmamalaki na ako.
Nawala sa isip ko kung bakit ako lumalaban. Nakalimutan ko din lahat ng effort ko, 'yung pangengealam ko sa kanila. Nung sinabi kong magdadrop-out ako parang tinapon ko na din lahat ng sacrifices ko panahong nasa Class Z ako, na nasa Noblesse High ako. Parang pinagwalang bahala ko na din 'yung bugbog at masasakit na salita na natanggap ko. Which is mali, hindi ko dapat sinabi 'yon. Maling mali.
Kaya alam ko na ngayon na hindi dapat ako umalis. Kelangan kong makapagtapos kahit na gaano man kalupit sa'kin ang lahat, ipagpapatuloy ko. Makakatapos ako para kay papa, kay lolo M, para kay kuya at para sa sarili ko. Para na din sa mga may galit sa'kin.
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Novela JuvenilAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
