Crazy George (Part 2)
“Pfft, ano 'yan bagong uso?"
“Nakakatawa naman sya."
“OMG, she looks a mess."
Pasok sa kabila, labas sa kabila. Ganon lang ang nangyayari sa sinasabi nila. Kaya sige lang, magchismisan lang sila, magbulungan lang sila. Pake ko? Hahahahaha.
Inaantok na ako.
Pwede kayang matulog sa likod ng school? Don nalang ako didiretso tutal hindi ko naman talaga ginustong pumasok. Si kuya lang kasi mapilit.
Napahikab ako. Nakailang hikab na ako, sobrang nakakantok na. Hahanap talaga ako ng lugar na matutulugan mamaya, 'yung fresh walang impakto.
“HAHAHAHAHAHA! Nakakatawa sya!”
Sinamaan ko ng tingin 'yung lalaking tumatawa sa 'di kalayuan. Nakahawak pa talaga siya sa tyan nya. Ngumisi ako sa kanya at saka sya sinamaan ng tingin. Kunwari ding may binubulong bulong ako sa hangin.
Matakot ka, matakot ka. 'Yun lang naman ang binubulong ko.
Mukha namang natakot. Nagtatakbo sya paalis. Pfft. Duwag.
Pagkarating ko sa building, halos hindi ko na malakad 'yung Classroom namin. Nalimutan ko pa nga kung saan. Buti nalang naalala ko.
Malapit na ako sa room namin.
Sa karaniwang araw maingay ang room pero nakakapagtaka dahil ang tahi-tahimik. Wala sigurong tao. Napangiti ako sa naisip, sakto makakatulog ako!
Sakto hihi.
Nasa may tapat na ako ng Classroom at dismayadong napaupo ako sa sahig. May tao sa loob! At halos lahat sila nandoon. Hindi nga lang sila naguusap usap, kanya kanya sila ng mundo.
Hayy, ang malas ko. Akala ko naman solo ko ang room.
*PHONE VIBRATING*
Pumasok ka sa room nyo ha, huwag kung saan susuot!
Eto namang si kuya hindi nalang manahimik. Tssh. Sinundan pa ng pangalawang text, hanggang maging tatlo, hanggang maging lima.
Oo nga, papasok na!
Wala sa sariling tumayo ako. Hindi ko na napagpag ang damit ko. Napatayo ako, pero naalala ko may bag nga pala ako.
Bag na walang laman.
Dinampot ko 'yun at saka dinala. Hindi ko na sinakbit ang bag ko since wala namang sense. Dire-diretsong naglakad ako papunta sa pinto. Tahasang binuksan ko 'yun.
Agad na nagtinginan sa'kin ang lahat. Hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin ang mga reaction nila dahil antok na 'ko. Gusto ko nalang makarating sa upuan ko at tumulog.
“OMY! WHAT HAPPENED TO YOU?”
“Anyare kay George?"
“Nababaliw na ata sya.”
Oo, nababaliw na nga ako! Nababaliw!
Nagsimula na akong maglakad papunta sa upuan ko na sinabayan ng bulunga nila.
“I didn't know we have a beggar classmate.”
Boses 'yun ni Zero ah. Yabang!
Ang yabang talaga ng boses nya. Gusto ko siyang.. Kalbuhin. Pero hindi ngayon, ang sakit ng ulo ko. Ang sakit pa ng mata ko.
“GEORGE, WHAT THE FUCK!"
“Hoyyy, nyaree sa'yo?”
“Shit, you look.."

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Fiksi RemajaAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...