Chapter 56

170 9 1
                                        

A day with HIM (Part 2)

Lagot ako.

Lagot talaga ako neto kay kuya!

Shete. Shutanginams. Ang mahal mahal ng pinagbayaran tapos malilmutan ko lang? Bakit kasi naisipan kong tumakkbo kasama 'tong Zero na 'to?

Lagot ako talaga huhu.

“Are you insane?”

Napatigil ako sa pagsabunot sa sarili. Inirapan ko si Zero na kasalukuyang nagdadrive. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta ang alam lang namin, hinahabol kami kanina ng mga Zombies este alagad nina Yvo.

“Oo. Malapit na 'kong mabaliw. Putanginams, ang mahal non tapos maiiwanan lang?"

“Whose fault is it?"

“Kasalanan ko na nga. Antanga ko, antanga tanga ko huhu.”

Napasapo ako sa noo ko. Baka palayasin ako ni kuya, saan ako pupunta?

“Buti alam mo."

Napataas ang kilay ko, nilingon ko siyang nasa drivers seat. Mahina lang nyang sinabi 'yon pero imposible namang hindi ko marinig. Kami lang kaya dito.

“Tumahimik ka nalang please.”

“Tsk."

Ano nang gagawin ko? Huhu.

Ay wait! May naisip ako.

Tatawagan ko si Gray! Tama! Omyghad, ba't ngayon ko lang naisip. Napasnap pa ako ng finger sa ere. Jusko, 'yon na 'yun! Solve na problem ko.

“Shit. Have you lose it?”

Sinasabi nya? Ay bahala sya!

Tatawagan ko nalang si Gray tapos sasabihin ko na naiwan ko ang pinamili ko dun sa bench para kunin nya at------.

“AAAAAHHHHHH!"

Napasampal ako sa sarili ko.

“Fuck." Napapreno sya bigla, muntik pa akong mauntog sa bintana. Hayuff talaga 'to.

“Bumaba ka nalang."

“I'm so dead. I'm so dead! Shet. Huhu."

Hindi ako mapakali sa upuan ko. Naiwan ko 'yung phone ko dun sa bags na dala ko. Arrrgh! Bakit ba ngayon pa ako sinasapian ng katangahan?

“I said bumaba ka na.” tinanggal nya pa pagkakalock nung door sa side ko pero masyado akong occupied sa naiwan kong phone at pinamili.

“Crazy.”

“Sheteee, ba't ang malas ko huhuhu! Ang malas malas ko, nakakainis!!"

Wala na akong pake kung nakikita ako ni Zero. Gusto kong magdrama ngayon. Kabibili langnung cellphone na 'yon eh. Tapos ang mahal mahal nung mga nakalista. I'm so dead.

“Shit. Nandyan parin sila?”

Inistart nya ulit 'yung kotse na ipinagtaka ko. Sinong sila?

Aray ko naman. Napatitig ako kay Zero na focus na focus sa pagdadrive habang ako dito ay nagleleft and right. Shuta, bilis magpatakbo.

“Pwede bagal bagalan mo ang pagpapatakbo? Mamaya hulihin tayo ng pulis dyan eh! Tsaka nagdadrama kaya ako, respeto naman!!!”

Nanggigigil na 'ko sa kanya.

“You're so loud. Maaabutan na nila tayo.”

Nila? Sinong nila?

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon