Chapter 8

91 5 0
                                    

Chaos

“That.. is not going to happen.”

Nawala ang sigla sa mukha niya. Nagbago ang reaction niya at ngayon ay tinitingnan niya na ako na parang gusto niya akong kainin. Nginisian ko siya. Kung akala niya ay madadala niya ako sa panguuto niya ay nagkakamali siya.

Oo nga't galit ako sa mga Egg Warriors na 'yun. Lagi nila akong sinasaktan, tinataboy at tinuturing na basura. Nagdamdam ako, oo. Sinumpa sila sa isip ko. Pero hindi nun mababago ang katotohanang kaklase ko sila. Sa bawat araw na nakakasama ko sila ay mas lalo ko silang nakikilala. Atsaka, hindi ko ugaling magtaksil no. Loyal kaya ako!

“Are you fucking insane? After what they did to you?.” singhal niya sa'kin.

“'Yun na nga eh. Ako 'yung sinasaktan nila, pinapaalis sa section na 'yun. So, bakit kayo affected? Alam niyo dapat matutunan niyo kung paano manahimik sa isang tabi. You know, mind your own business.”

O, pak! English 'yan hmp.

“Atsaka isa pa, pwede ba pakipaltan 'yang uniform mo? Masakit kasi sa mata.” pangasar ko sa kaniya. Tumalikod na ako. Wala na naman akong gagawin dito. Babalik na ako dun sa Classroom kong hindi raw ako nababagay.

“ARAY!.”

Pakening shet! 

Sinabunutan niya ako! Feeling ko matatanggal ang anit ko sa higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko.

“I don't wanna be plain! I don't wanna be plain like you. You're disgusting. You're all disgusting!.”

Ang kaninang manly niya na pagsasalita ay naging maarte. Dapat kanina ko pa napasin.. Dapat kanina ko pa napansin na bading siya! Bading ang ssg president ng Noblesses High.

“Tigilan mo 'ko. Aray!.”

Mas lalo niya pa akong sinabunutan. Hinawakan niya din ang ulo ko at sinusubsob ako sa dingding. I tried my best to protect my face. Siniko ko siya dahilan para mapabitaw siya sa'kin.

“How dare you!.”

Sumugod siya sa'kin. Pilit na inaabot ang buhok ko. Pero syempre, hindi ko na siya pinalapit at saka  sinipa siya sa sikmura. Sinipa ko din siya sa pinakaiingat ingatan niya. Napasigaw naman siya dahil don.

“Fuck you, hayop kang babae ka!.”

Patalon talon siya habang nakahawak sa gem niya. Dinilaan ko naman siya. Tss, akala niya ha.

“Bading!.”

Binuksan ko na 'yung pintuan.

Pero bago ako makalabas ay napaluhod ako sa sakit. Bigla nalang may nanikmura sa'kin. Halos hindi ako makagalaw. Pinasadahan ko ng tingin ang nasa harap ko. Siya 'yun! 'Yung babae kaninang sumundo sa'kin.

I glared at her. Isinarado niya uli yung pinto.

“Saan ka pupunta?.” ngumisi siya at saka ako sinikmuraan pa ng isa. Sa sobrang lakas ay napahiga ako sa sahig, namimilipit sa sakit. Sunod sunod na napaubo ako.

Nanghihina ang katawan ko. Hindi ako makagalaw. Nangilid ang luha sa mga mata ko. Panibagong sakit ng katawan na naman 'to George. Galing galing mo talaga.

“Ano? Hindi ka makapagsalita ngayon ha?.” Rinig ko ang paghakbang palapit sa'kin nung bading. “Ano, ha?.”

“ARGHHH!.”

Sinipa niya 'ko sa likod. Sinipa niya ako ng paulit ulit. Ansakit. Namamanhid na ang likod ko sa kasisipa niya.

“A-animal ka.. ”halos pabulong ko ng sabi.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon