The leaders
“The heck is this?"
Sabi ko na nga ba dadating sina Yvo!
Nakapamulsa habang preskong naglalakad 'yung leader ng Class A. Kitang kita ang pagkadisgusto sa mukha niya. Nakakunot pa talaga ang noo habang napakasama ng tingin.
Nakakatakot.
Napaatras tuloy ako ng ilang hakbang lalo na nung mapasulyap sa'kin si Yvo.
“Oyyy, intayin mo kami!”
Patakbong lumapit kay Yvo sina Tristan, Nero at Louis. Hinihingal pang napahawak sa tuhod si Tristan. “A-ang bilis mo naman!"
Napahakbang ulit ako ng dalawa. Sana hindi ako makita!
“Oh, hi Georgina." Aniya pagkatapos na tila hinanap ako sa kumpol ng Class Z. Kumaway pa talaga.
Aissh, nakita pa din ako.
Nabaling tuloy ang pansin sa'kin pati nina Yvo at nung mga babaeng nagkukumpulan. Ang sasama pa ng tingin.
“U-uh--."
Hindi ko na naituloy pa 'yung sasabihin nang pumwesto sa mismong harap ko si Zero. Likod nalang tuloy niya 'yung nakikita ko. Pero good thing naman 'yun, hindi ko nakikita 'yung mukha nina Yvo.
Hayyy. Makakahinga na ng maluwag!
“What brings you here?" Seryosong tanong ni Zero kayna Yvo.
Nagsitahimikan pati na 'yung mga babaeng nagkukumpulan. Lahat sila nakatuon ang atensyon sa grupo nina Yvo at sa Class Z na magkakasapakan pa ata.
Naku, huwag naman sana. Kinginang 'yan. Nandito kami para magenjoy. First time kong maexperience 'yung ganito, huwag naman sanang magkagulo.
“Nandito ata 'yang mga 'yan para humanap ng gulo e!" Naglakad sa harap si Kin bago itinaas ang manggas ng shirt na suot niya. Susugod sana siya pero pinigilan siya nina Tim na nasa may side na namin ngayon.
“Chill ka lang pre." tinapik tapik ni Tim 'yung balikat ni Kin.
“Tss." - Kin.
Ayaw papigil! Pero teka, ngumisi si Yvo?
Nakangisi siya pero nanlilisik 'yung mga mata niya. “You now have the guts to talk to me like that, huh?"
Si Kin 'yung kinakausap niya.
“Hindi ka diyos." Giit ni Kin.
“Have you forgotten what you did to my sister, coward?"
Halata sa boses niya 'yung pagpipigil ng inis. Kitang kita sa mukha ni Yvo na gustong gusto niyang sumugod pero pinipigilan niya 'yung sarili niya.
“I did not."
“Hindi mo nakalimutan pero ganiyan ka umasta? The hell." Pagsingit ni Nero. “Kasalanan mo kaya!"
Mukhang alam niya din 'yung nangyari dati. Pati siya e galit na nakatingin din kay Kin.
“Inaamin ko na kasalanan ko pero hindi ba may kasalanan din kayo?"
Sumugod si Nero palapit kay Kin pero pinigilan siya ni Louis. “Excuse me, say what?"
Ngumisi si Kin. “Totoo naman ah. Kung may kasalanan ako mas may kasalanan kayo…" Kin then glared at them. “Alam niyo 'yun."
“Siraulo ka pala eh!"

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...