Chapter 76

146 9 0
                                        

Who says

“Magkaiba kaming dalawa, bakit ba palagi nyo nalang kaming ikonocompare sa babaeng 'yan?!"idinuro nya pa talaga ako pagkasabi non.

Hindi ako nagsalita nakatitig lang ako sa kanya habang pinapakinggan siyang magsalita, or manumbat rather.

“COMPARE?! E KAYO LANG NAMAN ANG NAGKOCOMPARE NANG SARILI NYO KAY GEORGE!" Bwelta ni Wavin.

“Hala, nagaaway na sila!"

“Akala ko pa naman magiging masaya 'tong party na 'to!"

Akala ko din.

“Aissh, bakit ba palagi nalang silang nagsisimula nang gulo?"

Palagi? Sinong tinutukoy nya? Ako ba o 'yung grupo nina Corine?

“The heck, Wavin! Ang sabihin mo masyado mo lang kinakampihan 'yang babae na 'yan kaya nagbubulagbulagan ka!" Mindy gritted her teeth. Frustrated na hinawi nya 'yung buhok nya.

“EH ANONG GUSTO MO KAYO ANG KAMPIHAN KO?!"

“OO!" Sigaw pabalik ni Mindy.

Nagpakawala ng malakas na halakhak si Wavin na ikinagulat ng lahat. Hindi ngayon ang oras para tumawa! Sisitahin ko sana siya kaso bigla naman siyang nagsalita. Bahagyang yumuko siya.

“Gusto mong ikaw ang kampihan ko?” iniangat nya ang ulo nya at saka tinitigan si Mindy na nasa 'di kalayuan. “Palagi ka namang mali kaya bakit kita kakampihan?" anya Wavin baritonong boses.

Seryoso na siya. Napalunok ako, masyado nang nagiging mainit ang tensyon. Makikialam na ba ako?

“Omg, Wavin!" Halatang nagulat sina Olyvia sa sinabi ni Wavin. “How dare you! After all those years she cared for you tapos gaganitohin mo siya?! You're fucking rude!" gigil na wika ni Olyvia.

I can't help but stared at them.

“Ayan na naman sila!”

“Olyvia, stop it!"

May issue ba? Naguguluhan ako. Mukhang alam ng lahat ng Egg Warriors 'yung sinasabi ni Olyvia. Pati sina Zero, mukhang alam din nila. Ni hindi man lang nagrereact 'yung tatlong impakto. Seryosong nakaupo parin sila habang nanonood.

“Alam mo ba kung gaano kasakit para kay Mindy 'yang ginagawa mo ngayon?" Sumbat uli ni Olyvia. Hindi ko alam kung saan sya nanggagaling. Gusto kong malaman pero hindi ako makahanap ng tyempo.

“Stop it, Olyvia."

May hinanakit akong nahint sa boses ni Mindy. Nakayuko siya at kitang kita ko kung paanong kinuyom nya ang kamao nya.

“What? Totoo naman ah! He didn't know kung anong pinagdadaanan mo and yet he's choosing that girl over you!” idinurong muli ako ni Olyvia.

Ano na bang mararamdaman ko? Obvious na obvious na hindi lang basta lungkot, stress ang nararamdaman ni Mindy. There's more to it. Nangingibabaw ang insecurities sa katawan nya.

“I'm fine, you don't have to bring that up."

Halatang nagsisinungaling siya. Bakit? Nilingon ko si Wavin, bakas pa rin ang pagkainis sa mukha nya.

“Dude, magpahangin nalang muna tayo sa labas." hinawakan pa ni Tim ang balikat pero umiling lang siya.

Ayaw sumama. Huwag mong sabihing may balak pa siyang makipagaway pa kay Mindy? Napabuntong hininga ako.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon