Report Card
“Hindi nga?"
Kumunot ang noo nya nang lumapit ako sa kanya.
“What?” iritang tanong nya.
“Stepmom mo si Mrs. De Villa?”
“Tss, tabi.” bahagyang itinulak nya ako paalis sa winawalisan nyang area.
Napakamot ako sa ulo ko sa sobrang kalituhan. Talaga? Stepmom ni Zero si Mrs. De Villa? Nakakagulat naman. I mean, hindi sila mukhang magnanay since hindi naman sila nagpapansinan na parang magnanay. Tsaka mukhang may galit sila sa isa't isa. Hindi siguro sila in-good-terms.
“Paanong nangyaring naging stepmom mo si Mrs. De Villa? Hindi ko alam..”
Sinagot sagot ko pa naman s'ya. Baka mamaya nyan sapakin ako bigla ni Zero dahil dinesrespect ko 'yung nanay nya.
“It doesn't matter anyway.” Lumayo siya sa'kin pagkasabi non, agad naman akong sumunod sa kanya. Dala dala ang walis.
“Stepmom mo naman pala siya eh.” Pero parang walang care sa kanya. “Magrequest ka dali sabihin mo bawiin nya 'yung punishment!”
Tumigil siya sa pagwawalis at saka ako sinamaan ng tingin. “Why not do it yourself?" Inis nyang sagot.
Napaka. Kung kaya ko lang talaga edi sana ako na nagsabi diba? Kaso nga lang baka nga mas lalong madagdagan ang punishment naming dalawa. Idagdag pang uminit lalo ang dugo sa'kin ni Mrs. De Villa dahil sa kanina.
“Dali na, ang init init kaya. Baka mamaya tustado na tayo dito!"
Nagsimula na 'yung punishment namin, tanghaling tapat! Ang sakit ng init sa balat. Wala pang sampung minuto kaming nagwawalis pero tamatagaktak na talaga 'yung pawis ko sa noo.
“Just fucking sweep." Nakapoker face nyang sagot.
Napanguso ako. Bagsak ang balikat na tiningnan ko ang kabuuan ng lilinisin namin. Ang lawak! Kasama pa don 'yung bakuran ng main building.
Magkapagwalis na nga lang!
Kung tutuusin hindi ko dapat 'to ginagawa ngayon kung hindi lang ako nagsalita. Umiral na naman kasi pagiging jollibee ko kanina, ayan tuloy. Kasalanan ko kaya hindi na ako magrereklamo. Pagbubutihin ko nalang ang pagwawalis para naman matapos na.
Naalala ko tuloy bigla 'yung nangyari kanina. Si Kin, 'yung pag-iyak nya. Gusto kong tumulong pero ayaw naman nya. Bigla bigla nalang nananakit. Speaking of nananakit, naalala ko din 'yung babae kanina na namato. Ano kayang problema nya sa buhay nya? Ni hindi ko nga siya kilala e tapos kung batuhin nya ako.. galit na galit?
Buti nalang talaga nagamot na 'yung sugat ko sa pagkakabato nung babaeng 'yun.
Tapos 'yung locker pa pala. Sinulyapan ko 'yung locker na ngayon ay nasa gitna pa din ng field. Sira sira na siya. Hindi na pwedeng gamitin. May mga gamit pang nakalagay don.
“Sayang."
Lumapit ako sa locker at saka napatitig don. Nangunot ang noo ko ng may mapansing nakaukit na pangalan sa may gilid nito. William?
“William? Bakit parang narinig ko na 'yung pangalan na 'yon? Hindi ko lang maintindihan kung kelan.”
William?
Paulit ulit kong binibigkas 'yung pangalang William pero wala akong maalala. Napasapo ako sa ulo ko, sumasakit lang ang ulo ko sa kaiisip!
“Baka William Shakespeare?”

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Ficção AdolescenteAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...