Training
“So, majority of them didn't want to join. Anong gagawin niyo?” tanong ni Spade na kumakain ng pancit.
Anong gagawin namin? Edi..
Ano nga ba? Napahawak ako sa ulo dahil sa kalituhan. Hindi ko alam ang gagawin! Kung susundin namin ang gusto ng karamihan, katawatawa na naman ang Class Z. Kung susuwayin naman namin sila, sino ang magiging representatives?
“Kaya niyo bang lumaban?” baling ko sa tatlong sina Nadya, Achylis at August, kapwa kumakain sila ng pancit.
Umiling agad sila.
Jusko, paano na neto?
“What if sumangayon nalang din tayo sa kanila? Magsorry nalang tayo because of what we did." Ani Nadya.
Napatayo agad ako sa sinabi nya. “Bakit tayo magsosorry? Wala namang masama sa paglalabas ng opinyon ah! Tsaka hindi parin naman tayo sure kung---k-kung lalaban tayo.”
Kung umatras man kami't hindi lumaban, hindi 'yun dahil sa impluwensya nila kundi dahil sa sarili naming desisyon. Napatango tango ako sa naisip. Tama, tama 'yon.
“Then what are we gonna do?" Tanong ni August.
Napatingin ako sa kanila na busy sa pagkain. Sanaol nakakakain, ako nga halos hindi na magalaw 'yung pancit na nasa harapan ko. Nakakainis kasi binibigyan ako ng isipin.
“What if we convince them?" Suggestion ni Achylis.
Convince?
“Hindi naman kayo sure kung makoconvince niyo talaga sila, add the fact that you only have 2 days to convince them.” sagot naman ni Spade.
Nadurog ang pagasang namumutawi sa dibdib ko dahil sa sinabi nya. Kung tutuusin mahirap nga talagang kumbinsihin 'yung mga 'yun lalo pa't kayna Zero lang sila nakikinig. Isa pa, hindi ko sila kapalagayan ng loob. May maconvince man 'yung tatlo baka umayaw din dahil sa'kin.
“Siguro.." Napatingin silang lahat sa'kin. “Siguro dapat panindigan natin ang desisyon natin. Think positive guys, apat na tayo oh. Kung maconvince niyo sila edi mas mabuti pero kung hindi, edi ayos lang din! Nandyan naman sina Spade eh, nakasuporta satin.”
Debate lang naman 'yun ih. 'Yung isa sa kinatatakutan kong parte ng pagaaral. Pero siguro kakayanin namin 'to. Naniniwala ako.
“I can't be representative!” pagtutol ni Nadya.
“Bakit?”
“Mahina ako sa debate." Sagot nya.
Akala ko naman kung ano na.
“We'll train you."biglang sabat ni Spade. Nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya. Nilapitan ko sya at saka hinawakan ang kamay nya, inalog alog ko pa 'yun dahil sobrang natutuwa ako sa kanya. Nawala bigla ang tinik sa dibdib ko, yes!
“Hala, thank youu! Thank youu, Spade!” nginitian ako ni Spade bilang tugon.
Spade, my savior!
“I can't parin."maarteng ani Nadya.
Napasimangot naman ako agad. Bakit naman kaya ayaw nya? Hayyy. 'Yung dalawa kaya? Binalingan ko sina Achylis at August, iniiwasan nila ako ng tingin. Alam na dis!
“August, Achyliss.." Binitawan ko ang kamay ni Spade at saka pumunta sa harap nung dalawa. “Sige na. Hindi naman kayo nagiisa eh. Kasama niyo 'ko.”
Unti unti nilang tiningnan ang maganda kong mukha. Nginitian ko naman sila, 'yung ngiting pasweet para magagree agad. Sana lang pumayag huhu!
“Dali na!"

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Novela JuvenilAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...