In the Dark
“Pasok!"
Aray! Itulak daw ba ako?
“Kaya kovnaman pumasok magisa, hindi mo na kelangang manulak!"
Kaimbyerna. Bakit ganito ugali ng ibang lalaki sa Noblesse High? Kabwisit ang ugali, animo'y hindi tinuturuan ng magandang asal, tss.
E,'yung Class Z?
Natigilan ako nang maisip 'yung Egg Warriors.
Hindi naman sila naiiba sa kanila pero sa tingin ko nagiging mabait na sila sa akin kahit papaano, tingin ko lang naman. Kung dati ay nananakit sila, ngayon nananakit pa din pero may konting care na. Medyo nagbago na.
“Enjoy!” wika nung lalaking naghatid sa'kin dito sinabayan pa niya ng paghagikhik sabay sarado ng pinto.
Enjoy? Paani naman ako makakapagenjoy dito? Ang dumi-dumi nung kabilang side, andito pa 'yung kapatid ni Zero na tuko, tapos malapit na magdilim. Ni wala man lang ilaw dito.
Parusa talaga!
Jusq. Gusto ko biglang sumigaw ng 'tulong!!!'. Yung malakas na malakas na makikinig ng lahat. Pero kapag ba ginawa ko 'yun, oo nga't maririnig ng Class Z at ng iba pa pero matutulungan ba nila ako? Ni minsan hindi pa kami nakalabas dito hangga't hindi tapos 'yung oras na itinakda. Kaya malabong mangyari na may magawa din sila--pwera nalang kung magdadala ng pagkain.
'Yun lang naman ang kayang gawin.
Napaupo ako sa may gilid kung saan kami umupo ni Zero.
Nung unang punta ko dito kasama ko siya. Kahit nakakabwisit siya, nawala naman 'yung takot ko dahil sa kaniya. Kahit ang sungit sungit niya mas ikay na 'yun kesa naman wala akong kasama.
Ay shuta!
“Diyan ka lang!"
Napalayo ako ng onti. Kaasar naman may palapit lapit pa sa akin 'yung kapatid ni Zero.
“Sabing diyan ka lang e!"
Ang kulit. Palapit ng palapit. Gusto niya bang maghello? Pwes ako ayoko! Wala ako sa mood.
“Shoooo, Go away!"
Baka trip ng english kasi walang epek!
Wag ka ng lumapit pa, pakiusap! Lumalapit pa siya, omg kukuha na ba ako ng pamalo?
Inilibot ko ang mata para humanap buti nalang may stick sa tabi ko. Nilingon ko ulit 'yung kapatid ni Zero, hindi na siya gumagalaw. Nagstay lang siya dun sa posisyon niya.
Hayy, buti nalang! Makakahinga na ako ng maluwag. F
“Good. Stay ka lang diyan!"
Sumasakit na ulo ko tapos dadagdagan pa ng tuko na 'to. Mukhang natakot hindi na gumalaw. Jusme. Ay gumagalaw pala pero sa ibang direksyon pumunta, lumabas siya ng detention room.
Napaayos ako ng upo. Makakahinga na ng maluwag sa wakas.
“Ano na kayang nangyayari sa labas?"
Nakikipagaway pa rin ba sila kay Mrs. De Villa? Hindi ko talaga inexpect na sasabihin 'yun ni Zero sa stepmom niya sa harap ng maraming estudyante. Sigurado akong parurusahan sila.
Natalo pa kami sa tug of war dahil pinuntahan kami nina Tim. Medyo nakakaguilty tuloy. Nakakaasar kasi 'yung babae, kung hindi lang siya papansin hindi sana mangyayari 'to. Nakakainis din si Mrs. De Villa. Hindi ko alam kung bakit palaging mainit ang dugo niya sa amin, napakaunfair niya pag kami 'yung kaharap. Kahit kasama namin si Zero na anak niya parang wala siyang pakialam.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Roman pour AdolescentsAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...