Lunchbox
“Georgina Astair, sana ayos ka pa.”
Pinakatitigan ko ang sarili sa salamin. Hiwit hiwit ang pagkakagupit ng buhok ko, may konting kamot din ako sa mukha. Ayos talaga dito sa Noblesse High ah, kahit hindi mo hinihingi binibigay sa'yo. Etong kalmot, 'yung mga pasa, sugat at sakit ng katawan na 'to, hindi ko hiningi. Pero kusang pinagkakaloob sa'kin. Buti sana kung pera 'to, yayaman ako. Eh kaso lang hindi, may kasama pang sama ng loob minsan.
Huminga muna ako ng malalim bago gupitin ang buhok ko. Papantayin ko lang. Para fair, walang mahaba, walang maikli. Hindi tulad netong school na 'to. Puno ng bias and unfair people. Mga mapangmata, mapanakit. Matanglawin! Charot.
Hayy, so much for today. Gusto ko lang maging masaya kahit isang araw lang. Kaso hindi, lalong nadadagdagan ang isipin ko sa araw araw. Nadadagdagan din ang mga kaaway ko. Mukha malabo na nga atang makasundo ko 'yung grupo nina Corine. Tingin nila sa'kin threat, akala nila aagawin ko 'yung mga crush nila. Hindi ko kaya sila type, dzuh.
“Okay. Let's go.”
Pagkausap ko sa sarili sa salamin bago lumabas ng CR. Maikli na ang buhok ko, lampas balikat nalang 'to. Salamat kay Olyvia na kung makakapit sa buhok ko ay parang tuko. Salamat talaga. Hindi ko na natupad 'yung pangako ko sa sarili ko. Pero, anyways don't lose hope Georgina! Kaya mo 'to.
Ano naman kayang ginagawa ng mga animal kong kaklase? Pagkatapos kong sumigaw kanina bigla silang nanahimik sabay labas ng room. Kung tutuusin para silang mga bata, kelangan din talagang disiplinahin. Mga rich kid sila eh, ano pa bang aasahan ko? Malamang na brat sila.
“Sa tingin mo may kinalaman si Yvo sa nangyaring sunog?.”
“Hindi natin masasabi. Pero malakas ang kutob ko.”
Yvo daw? Sino si Yvo?
Tumigil ako sa harap ng dalawang kaklase kong lalaki na naguusap sa labas ng Classroom. Nagtataka pa silang tumingin sa'kin, 'yung isa nga sa kanila ay galit pa. Laki talaga ng topak nila, dabest!
“Sino si Yvo?.”
“Makikialam ka na naman? Alis!.”
Sinimangutan ko siya. “Galit na nga ibang kaklase natin sa'kin pati ba naman kayo? Ano? Damay damay ba 'to?.”
Nakakainis, nagkakaisa talaga sila sa pangaapi sa'kin.
“Wala kang pake. Huwag ka na ulit magtatanong sa'min, Alis!.”
Sungit! Wala akong nagawa kundi umalis sa harap nila. Dumiretso nalang ako sa loob kung saan naguusap usap sina Tim, Wavin, Archer, Gray, Corine, at Olyvia. Wala nang ibang tao bukod sa kanila.
“Hindi gugustuhin ni Zero kung makikialam tayo.”
“That's true, pero hahayaan nalang ba natin siyang magutom at mauhaw d'on sa loob ng iw na detention na 'yun?.”
“Hindi lang naman 'to ang unang pagkakataon na nadetention siya.”
Umupo ako sa may gilid. Focus na focus sila sa paguusap kaya hindi nila ako napansin. Hindi na pala 'to ang unang beses? Mukhang suki na si Zero don ah. Kaya pala hindi siya natakot nung sinabi na idedetent siya.
“Uhuh and knowing them, hindi lang basta detent ang mararanasan ni Zero. You know they like to play dirty.”
Bubugbugin ba nila si Zero?
“Kawawa naman si Zero..”
Napabuntong hininga ako. Hindi malabong hindi nila pahirapan o bugbugin si Zero. Kasi kung ako 'yun, hindi ko narin palalampasin ang pagkakataon na makaganti. Lalo pa't alam kong walang makakatulong sa kaniya. Kawawa naman siya---.
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Novela JuvenilAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
