Drop-out
Ako si Georgina Astair Noburi, hindi ako mayaman. Wala akong boyfriend pero maganda ako. Wala din akong bestfriend na maituturing. Hindi ako mahilig magmake up dahil ayokong maligawan, lamnyonemen! Hindi ako madaldal, sakto lang naman. Hindi rin naman ako masyadong pakialamera, slight lang!
May kuya akong pogi pero abnoy, mahilig manermon, strict pero malambing and protective. No to suitors, ang palagi nyang say! Pero kahit na sobrang strict nya, I really love him. Kami nalang ni kuya ang magkasama sa buhay.
Namatay si mama nung elementary palang ako, then si kuya na ang nagtaguyod saming magkapatid. Thankful ako kay Lola dahil sya 'yung tumulong sa'min noon, wala na rin kasi kaming kamaganak na malapit. Hindi pa kami in-good terms ng tito ko dahil sa nangyari dating pangiignore nya kay mama.
Simple lang ang buhay namin, hindi naman kami mayaman. Okay na sa'min basta makakain, araw araw. Kasya naman 'yung sweldo ni kuya sa'ming dalawa. Masaya..
Pero nagbago lahat 'yun ng matransfer ako sa Noblesse High. Paano ba ako nakapasok don? Basta ang alam ko lang, nakapasok ako sa Noblesse High dahil kay kuya. May nagrecommend daw sa kanya ng school na 'to.
At first, akala ko magiging tahimik ang buhay ko. Actually, 'yun ang palagi kong winiwish, peaceful school life. Gusto kong maging tahimik ang school life, just like any other normal student. May drama sa buhay pero hindi gaanong magulo. Normally, ang pinoproblema lang ay pinansyal, susuotin, grades, family problem. 'Yun ang gusto ko pero iba ang nangyari.
Imbes na ganon, iba ang nangyari. Ang pinoproblema ko ay kung paano maililigtas ang buhay ko. Kung paano mababantayan ang sarili ko pati na si kuya. Kung paano ako makakaiwas sa gulo, kung saan pisikalan talaga. Bugbugan, sigawan, murahan. Bakit ko ba 'to pinoproblema? Kasalanan ko nga bang talaga?
Paano nagsimula? Hmm..
Pumasok lang naman ako eh. Pero OA ng mga tao pala ang nandoon, mga baliw. Hindi ko nga sure kung school or mental hospital ba ang napasukan ko. Bigla bigla nalang silang nagagalit. Nagagalit sila sa'kin dahil 'transferee' ako. Ayaw nila sa'kin dahil transferee ako.
Ay isa pa pala, ang pakialamera ko daw kasi. Aminado naman ako na naging pakialamera ako. Aba, sino ba namang hindi? Mali mali ang pamamalakad sa section nila, maging sa school, madaming bias. Unfair sila unfair! Nung unang araw ko sa school, sumakit agad ang katawan ko. May rule pala silang babatuhin ka ng iba't ibang klaseng bola kapag bobo ka. Naawa tuloy ako sa sarili ko, like sorry naman kung bobo ako 'diba? Putanginams.
Pangalawang araw ko sa school, binato ako ng itlog. Oh, deba? Ang swerte swerte ko. Nagsimula ng kumulo ang dugo ko sa kanila lalo na nung pinagbabato nila 'ko ng itlog. Hindi ko alam, ano ba kasing problema nila? Nung pinagtanggol sila't kinampihan, ako pa ang naging mali. Bawal akong magsalita, bawat akong kumilos, bawal akong magpasya, bawal ang opinyon ko, bawal ang lahat dahil hindi ako belong! Kung maaari nga nilang ipagbawal ang paghinga, baka ginawa na nila.
They hate me, they loath me from head to toes. Kahit nga kaluluwa ko sinusumpa nila. Nung una, I tried understanding them. Ayaw kong maging katulad ng ibang tao na hindi man lang inaalam ang kwento, basta judge lang ng judge. Hindi ako 'yon eh. Alam ko na there's a story that I must know.
Kaya pinilit kong makisama sa kanila.
Timothy, he's my first ever friend sa Class Z. S'ya 'yung tinuturing kong kaibigan dahil siya lang 'yun tumutulong sa'kin nung napapahamak ako. Maaasahan sya, I must say. Sobrang matrip. Minsan nga, akala ko may tinitira na syang kung ano. Sobrang maloko talaga! Pero mabait sya. Ang problema lang, kung ako itinuturing syang kaibigan, siya papunta palang don. Or not? Hindi ko naman alam kung kaibigan ba talaga ang turing nya sa'kin e.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Genç KurguAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...