Stock Room
“Hoy, palabasin niyo 'ko dito!!.”
Nakakainis! Nakakainis talaga. Hindi ko alam kung bakit kelangan mangyari sa'kin 'to. Hindi ko rin alam kung bakit siya ang kasama ko. Kulang nalang patayin ako neto eh, tapos siya pa kasama ko ngayon? Baka tuluyan ako nito.
“Palabasin niyo na ako! Promise, hindi na ako uulit! Magpapakabait na ako!.”
Wa epek! Ni wala man lang sumilip sa room na 'to. Ni wala man lang din ako naririnig na ingay sa labas. Binalingan ko siya na tahimik na nakaupo sa gilid. May hawak siyang sigarilyo sa kamay habang masama ang tingin sa'kin.
“Tinitingin tingin mo diyan? Diba ikaw 'yung president? Utusan mo sila na palabasin tayo dito, bilis.” iritang utos ko kay Zero.
Si Zero na kasama ko ngayong nakakulong sa stock room. Parang tanga kasi si Archer, ang lupit lupit. Bigla nalang kaming ikinulong dito sa stock room, mas tatahimik daw ang buhay nila kapag wala kaming dalawa don.
“Don't fucking command me.”
“Nyenye, don't fucking command me.” paggaya ko sa kaniya.
“Shut up!.”
“Shut up!.”
Tumayo na siya sa kinauupuan niya. “Hindi ka ba talaga titigil, babae?.”
Nagroll eyes lang ako at saka ulit ginaya 'yung sinabi niya.. Lol, kala mo makukuha mo ko sa mga paganyan mo? Utot mo.
“I said shut up!.” napasabunot siya sa buhok niya.
Nginisian ko naman siya. Asar talo pala 'to eh. Lol.
“Shut up mo mukha mo! Kaya tayo napunta dito dahil sa kagagaawan mo!.”
“Kasalanan ko pa? If only you didn't show your ugly face infront of me, wala sanang gulo.” gigil niyang sabi sabay bato ng sigarilyo niya sa lupa.
“Hah! So, kasalanan ko? Bakit ako ba 'yung nananakit ha? Eh, ikaw nga 'tong kulang nalang bugbugin ako para mapaalis sa section na 'yun ih!.”
Kapal ng mukha. Kung hindi niya naman ako pinagsalitaan ng masasakit na salita kanina hindi ko naman siya sasapakin eh. Eh kaso nga, mayabang siya!
“Fuck you!.” pagmumura niya.
“Aba, pakyu ka rin! Anong akala mo ikaw lang marunong magmura ha?.”
Kumukulo talaga dugo ko sa kaniya. Grrrrr!
“Shut up or I'll rape you!.”
Umamba ako na parang manununtok. “Sige! Lumapit ka babasagin ko 'yan.” banta ko sa kaniya.
Dzuh, magpapakamatay nalang ako kung siya unang magiging first kiss ko, first--!ASGDHDDHDFCH.
“You know what just leave. Umalis ka para walang gulo.”
“No! Hindi ako aalis.”
May plano pa kami nina Lolo, gusto ko pang makitang umangat lahat ng nasa Class Z kaya hindi ako aalis.
“Ganyan ka ba katanga?.”
“Ganyan ka din ba talaga kagago?." Balik tanong ko sa kaniya.
“Alam mo?.” lumapit ako at saka siya tiningnan ng diretso sa mata. Nakatingala ako dahil di hamak naman na mas matangkad siya sa'kin. “Magkalinawan na tayo. Sabihin mo na sa'kin ang lahat ngayon. Kung bakit galit kayo sa akin na transferee, kung bakit ayaw niyo ko sa section niyo. Kapag nasatisfy mo ko sa sagot mo, sige. Aalis ako. Kahit ngayon pa.”
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Dla nastolatkówAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
