Chapter 25

79 5 0
                                    

Reunited

“Room 206.”

Agad na hinanap namin ang Room 206 kung saan nandoon si August. Pagkarating na pagkarating namin sa ospital, nagfreak out si Tim. Kesyo nasaan daw si August, kung buhay pa ba tapos nakisama pa si Wavin. Nabatukan tuloy ni Gray pareho.

“Ayun!.”

Patakbong pumasok sa room ang mga itlog na kasama ko, samantalang prente lang na naglalakad 'yung President at V-pres ng klase. Ako naman eto nasa likod nila, naguguluhan pa din.

Pagpasok na pagpasok namin sa Room 206 naabutan namin si August na nakatunganga sa kawalan, parang ang lalim lalim ng iniisip. Iniisip niya siguro ang Mommy niya?

“Hoyy! Mabuti't buhay kaaa.” parang timang na tumakbo pa si Tim para yakapin si August.

“Buhay nga ako papatayin mo naman ako!.”

Pilit na kumakawala si August sa yakap ni Tim sa kaniya, sobrang higpit ng yakap eh. Hindi na makahinga si August. May benda si August sa may kamay, bukod dun ay wala ng iba pa. Buti na lang at hindi siya gaanong napahamak, medyo nakakakaba kasi kanina.

Umupo 'yung mga lalaki samantalang nakatayo lang ako. Trip ko lang, ayaw ko kasi silang katabi. Char, feel ko kasi wala akong karapatang umupo hindi naman kami close nj August, ni lalong hindi kami friends. Kaya tatayo na lang ako.

“Bakit pati ako kasama? ”

Napatingin sila sa'kin, natigil din ang kwentuhan nila.

“May gustong kumausap sa'yo.” sagot ni August.

Gustong kumausap sa'kin?

“Sino?.”

“Don't tell me?.” ani Gray na parang nagets niya kung sino 'yung gustong kumausap sa'kin. Sumangayon naman si August sa kanya. Mas lalo tuloy hindi ko magets. 

“Wala akong magets.” si Tim 'yan.

“… ”

“So, sino nga?.”

Hindi na lang sabihin dami pang pahorror. Mamaya blackeye 'tong mga 'to sa'kin.

Si----.”

Naputol ang pagsasalita ni August nang bumukas ang pinto. Tumambad sa'min ang isang maputing babae, may katandaan na siya pero kita pa rin ang kagandahan. Pwede siyang artista, ang ganda. Wait, don't tell me?

“Gusto ka niyang makausap.” pagpapatuloy ni August sa naputol niyang sasabihin sana.

Ngumiti 'yung magandang babae na tingin ko ay Mommy ni August. Lumapit siya sa'min at saka ibinaba ang dala niyang basket na may lamang mga prutas.

“Son, may bisita ka pala.” isa isa niya kaming tiningnan bago tumigil ang paningin niya sa'kin. Medyo nailang tuloy ako.

“I'm Timothy po, ang pinakagwapo sa Class Z.” nagpapogi pa si Tim. Jusko. “Sila naman po sina Zero, Gray, Archer, Wavin at si George.” Isa isa kaming pinakilala ni Tim kahit na hindi naman namin sinabi. Siguro alam niyang hindi magsasalita 'tong mga kasama ko.

Ngumiti ako sa Mommy ni August na kanina pa nakatitig sa'kin. Feel ko matutunaw na ako. Sinulyapan ko si August, pinandilatan ko siya. Hindi ko sure kung nakuha niya pero tumikhim siya bigla at saka nagsalita.

“Mom, huwag niyo raw titigan si George. Naiilang daw siya.”

Ay putek! Hindi pinipili neto ni August ang salita. Baka isipin ng Mommy niya ang suplada ko.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon