Ride
“What did you just say?" Maarteng sigaw ni Corine.
Agad na sumiksik pa ako sa kumpulan ng tao.
Bakit ba kasi ang daldal nila? Kahit ako naman maiinis eh. Laitin ba naman 'yung pinagkabuhayan nila. -,-
“Aba't, paingle ingles ka pa! Halika, babasagin ko 'yang kaartehan mo!”
“Fine with us! Sugod! Akala niyo uurungan namin kayo?"
“Ah, ganon!"
Ang sikip! Shuta, nagsasabunutan na ata sila. Hindi pwedeng mangyari 'yun! Hindi ako makadaan!
Nagkakaingay na, meron pang pustahan.
“Oh, san kayo?"
“Dun ako sa mga bagong salta."
Napangiwi ako dun sa lalaking nagsalita, ngiting ngiti siya, naglalaway na nga e. Manyak hmp!
Kaya ko 'to! Kelangan kong makarating agad! Konti nalang…
Sa wakas nakarating din!
“Teka, tigilan niyo 'yan!"
Nagsasapakan na nga. May hawak hawak silang mga panlaban na gulay. Gulo gulo na ang buhok nina Olyvia. Si Corine hindi ko pa makita.
Kelangang matigil 'to!
Sumingit ako sa gitna nila. Inalis ko din ang pagkakakapit nila sa isa't isa. Muntik pa akong mahampas ng patola, kingina.
“Saan si Corine?" Tanong ko kayna Nadya, Olyvia at Mindy na gulo gulo ang buhok at masama ang tingin dun sa tatlong babae na kalaban nila kanina. Hawak hawak na 'yung mga babae ng kalalakihan.
“There, oh shocks!"
Nanlaki ang mata ko at agad na napatakbo kay Corine. Pinagtutulungan siya nung dalawang babae, pawang may hawak na ampalaya!
Pulang pula tuloy 'yung mukha nung isa.
“Tama na 'yan!"
Hinawakan ko si Corine palayo dun sa mga babae.
“Get off me!"
Siya na nga 'tong iniligtas siya pa 'tong kumakawala. Lintek na 'yan. Bugbog sarado na nga siya ayaw pang paawat.
“Hoy! Hindi pa kami tapos!"
Sumusunod pa 'yung dalawang babae. Susugod ata. Huminto ako sa paglalakad at saka sila hinarap.
“Pagpasensyahan niyo na----.”
“Pagpasensyahan? Ikaw kaya lumagay sa kalagayan namin? Sinabihan kaming magnanakaw!" sigaw nung babaeng malaki ang katawan.
Nakakatakot. Feeling ko isang sapak lang ako neto.
“Kaya nga, pasensya na talaga…"
Ano bang sasabihin ko? Totoo namang sina Corine ang may kasalanan.
Bahagyang napangisi 'yung babae. “Akala niyo madadaan niyo kami sa pasensya?"
Eh, anong gusto nila?
“Kung ayaw nila, don't pilit them. Hindi naman sila gold." Paikot ikot pa ang mata ni Olyvia.
“Yeah, right." Sangayon naman nung tatlo.
Pinandilatan ko sila ng mata. “Magsorry kayo!" Mahinang ani ko.
Tumaas ang kilay ni Corine. “What?! No!"
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...