Ignored
“Wala na ba kayong nalilimutan?”
Nangibabaw ang boses ni Spade. Kaniya kaniyang check naman agad ang Class Z sa kani-kanilang bag. Ngayon na ang alis namin sa Mansion ni Lolo M. May pasok na kasi bukas, I mean may pasok naman talaga nung nakaraang linggo. Hindi lang kami pumasok dahil walang magtuturo. So, bale ngayon ay meron na.
Agad kong binitbit ang bag ko. Kahit na bigat na bigat ako ay kinaya ko. Syempre wala na naman akong aasahan ngayon. Medyo sumasakit pa nga ang braso ko dahil sa kabaliwan ni Corine kagabi. Pero kakayanin. Magpapaalam lang pati muna ako kay Lolo M at kay Spade. Si Lolo M kasi nakaheart to heart talk ko kagabi. Medyo napuyat nga ako dahil iniisip ko ang advice ni Lolo M. Ang galing niya palang magadvice, tagos hanggang buto eh.
“Astair, ako na nyan.”
Ayan na si Spade. Agad ko siyang tinanggihan. “Kaya ko na 'to, Spade."
Dapat masanay ako na walang tumutulong sa'kin. I need to be independent, para maiwasan ko rin ang masaktan. Iiwas nalang ako. Ayoko na din munang makipagusap sa kahit kanino. I want peace and maybe I can only find peace if I distance myself to them.
“I see. So it's a goodbye?”
Ngumiti ako sa kaniya. “Oo, for now. Ingat ka ha! Alagaan mong mabuti si Lolo M!"
Kasi kung hindi niya aalagaang mabuti si Lolo M ay masasapak ko siya. Itinuring ko na talaga parang sariling Lolo si Lolo M, eh.
“I will. Take care.”
Lumaki ang ngiti niya. Bumalik ang playful smile sa mukha niya. Napangiti naman akong tiningnan siya. Parang bata din minsan si Spade, nakakatuwa siya. Hindi katulad ni.. Ay ewan. Sumasama ang mood ko.
“Huwag niyong kakalimutan ang mga binilin ko sa inyo. Ang mga itinuro ko. Magkikita tayong muli, sa itinakdang oras sa ating tagpuan. Magiingat kayo, aking mga estudyante."
Napangiti ako sa sinabi ni Lolo. Kung tutuusin mas marami pa akong natutunan sa kaniya kesa sa mga nagtuturo sa Noblesse High. Para naman kasing sinasadyang hindi magturo ng maayos para hindi kami makausad. Psh.
Pagkatapos non ay isa isa kaming nilapitan ni Lolo M. Nagpapaalam siya sa lahat. Nang mapatapat siya sa'kin ay hinawakan niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.
“Ingat, Astair. 'Yung mga pinayo ko sa'yo huwag mong kakalimutan.”
“Opo, Lolo! Salamat, Mamimiss ko po kayo!”
Ngumiti ako matapos magpaalam kay Lolo. Inayos ko ang sarili at saka binitbit ulit ang bag ko na pagkabigat bigat. -,-
Nagsisisi na ako na dinala ko pa ang ibang gamit ko. Dapat 'yung importante nalang. Jusko, pahirap ka sa buhay mo George!
“Plastik.”
Rinig ko na naman ang pasaring nina Corine. Pero katulad nga ng sinabi ko, sino ba sila? Hindi ko sila kilala. Kaya wala rin sa'kin ang sinasabi nila. They're just a mere stranger.
“BILIS! AALIS NA TAYO!”
Pakshet.
Mas binilisan ko ang paglakad. Hingal na hingal akong nakarating sa loob ng bus, hirapan pa akong magtaas ng bag ko. Nakatingin na naman ang Class Z sa'kin. Nagbubulungan pa ang iba sa kanila. Naging bubuyog na naman sila.
Ano pa bang bago?
Saan ako uupo?
Occupied na ang halos lahat ng upuan. 'Yung iba naman may mga gamit nilang nakapatong na alam kong sinadyang ilagay don. Badtrip! Wala na akong mahanap na vacant seat!
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
JugendliteraturAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
