Chapter 117

83 7 6
                                    

Drunk

Ang ganda. Kulang nalang lumuwa ang mata ko sa pagtingin sa paligid. Nangingintab e! Tapos halata pang sosyal na sosyal ang dating, nakagown si Corine. Halos lahat ng tao dito ang engrande ng suot. Buti nalang pinahiram ako ni Zero ng dress, kundi naging palaboy ako dito.

Pulang pula ang paligid. Red ata ang theme. *-*

Anlaki ng bahay nina Corine. May mga waiter pa silang nagseserve. Shalaaa! Napakabongga.

Kahit saan ko ilibot 'yung paningin, puro sosyal ang nakikita ko. May iba pang nagreretouch habang 'yung iba busy sa paginom ng drinks. Si Corine nasa gitna, nakaupo don sa malaking upuan sa gitna. Infairness, ang ganda niya ngayon. Bagay na bagay sa kaniya 'yung suot niya.

Inilibot ko ang paningin, nandito nga din pala ang Class Z. Nasa isang table sila kung saan kasya sila. Hindi ka naman maliligaw since merong nakalagay na pangalan kung sinong uupo. Sina Olyvia naman nasa ibang table, special friend pa 'yung nakalagay.

“Waaaah, ang popogi!"

Pinagkakaguluhan sila.

Halos lahat ng babae sa mga egg warriors nakatingin. Napairap ako sa ere. Hindi naman pogi---.

Napataas ang kilay ko nung sabay sabay silang nagpose, kanya kanyang pose talaga as in! May nagpogi pose pa.

—_— Sige na nga, pogi na ng slight. Mukha namang naligo sila ngayon, kaya pagbigyan na.

“Georgeee, dun na kasi tayo."

Augh. Nalimutan ko na sila. Nasa harapan ko pa rin pala sila Wavin at Timothy. They were forcing me to sit on the table reserve for Class Z. Nandito lang kasi ako sa maliit na lamesa, pangapat na tao lang.

“Dito nalang ako."

Nakakahiya naman kung uupo ako don. Hindi na nga ako invited. Pinilit lang naman ako nung impakto. Tapos makikisingit pa 'ko?

“BILIS NA KASI, PANGET!"

O_O

Pinanlakihan ko ng mata si Wavin. Grabe talaga napakaingay. Pinagtinginan tuloy kami ng lahat. Gusto ko siya biglang ideny na kaibigan.

“Ingay mo! Dito na nga lang ako e."

Kukulit. Sumama 'yung mga mukha nila as in. Sinimangutan ko rin sila.

“Eeeee para sa'tin 'yun!"

“Para sa inyo lang. Hindi naman ako invited no."

“KAHIT NA!"

Psh. Makapilit sila wagas. Ah, basta. Dito lang ako.

“Dito lang ako, bahala kayo." Wika ko sabay kuha ng phone ko sa bag. Nagkunwari akong may pinipindot. Ang ingay ingay nila sa background, tss. Pero maya maya lang ay tumigil na rin.

Umupo nalang sila sa upuan kung nasaan ako. May vacant pa kasing tatlong upuan.

“Dito na nga lang din kami."

Eeeeeehh?

Napahinto ako sa pagpindot. Maang na tiningnan ko sina Timothy. Bakit dito sila uupo e meron namang para sa kanila?

“Baliw, dun na kayo."

“DITO NA NGA KAMI UUPO!" Malakas na wika ni Wavin. Lakas na naman ng bunganga. Napakamot ako sa ulo. Kahit anong sabihin ko hindi na nagpapaawat, paulit ulit pa sila ng sinasabi. Mukhang mga galit. Ano kaya 'yon?

Kanina lang ang saya saya nila tapos biglang galit na ngayon. Loko 'tong mga 'to.

“Dun na nga kayo."

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon