Chapter 49

159 9 2
                                        

Truth (Part Two)

“Why am I crying right now? Bakit ako nalulungkot? Bakit hindi ako masaya? Why don't I feel protected? Eto ba 'yung sinasabi nyo na 'protection' ha?”

Hindi ko mapigilang hindi sya sumbatan. Ngayong nasa harapan ko na sya, ngayong alam ko ng sya 'yung naglihim sa'kin, na sya pala 'yung mastermind. I was wrong about him, akala ko naman isusupport nya 'ko. Akala ko kakampi ko sya pero hindi naman pala.

Okay lang naman sigurong maglabas ng sama ng loob, 'diba?

“George.” pagbanggit ni Gray sa pangalan ko. 'Yung tono ng pananalita nya parang pinapahiwatig nya na may mali akong nasabi, mali 'yung ginagawa ko.

“Sorry for not telling you. I admit it was my mistake.” pagsisimula nya. Seryoso ang mukha nya habang nagsasalita.“Hindi ko nasabi sa'yo kaya ka napahiya. Hindi ko nasabi sa'yo kaya nasasaktan ka ngayon. I know that feeling and I'm sorry for letting you feel that way. It's my bad for not calculating the situation.”

Buti alam mo!

“Tsaka George, sasabihin naman talaga namin eh.” pagsingit ni Tim. Tinaasan ko lang sila ng kilay.

“Pero wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko, George.”

Wala syang pinagsisisihan?

Bumigat bigla ang dibdib ko. Wala pala syang pinagsisisihan, sanaol! Proud pang nakasakit. Sanaol.

Hindi ako umimik. Hindi ko rin naman keri, naiiyak na 'ko sa pinagsasasabi nya. Parang pinamumukha nya sa'king deserve kong lahat ng 'to.

“Ginawa ko lang 'yon dahil alam kong 'yun ang makakabuti sa'yo, kaibigan kita. Ayokong mapahamak ka.”

Napabuntong hininga ako. Pinahid ko rin ang luha na naglandas sa pisngi ko.

“Bakit?”

Mukhang nagiisip pa siya kung anong sasabihin nya. Palingon lingon pa sya sa likod nya which is yung kinaroroonan nina Wavin. Parang humihingi siya ng signal sa kanila kung sasabihin nya ba o hindi.

“One day before the competition, we received a message. Akala namin spam lang but it turned out na galing 'yon kay Yvo. He's challenging setion Z. May nakalagay pang messages about sa'yo. He's even planning something terrible about you.”

Nagtext si Yvo sa kanila? Bakit kasi hindi nila sinabi sa'kin? Akala ata nila napakabubi ko na.

Napasinghap nalang ako sa sinabi nya. “Bakit ngayon mo lang sinasabi sa'kin? Maiintindihan ko naman 'yan eh. Dapat sinabi nyo nalang.”

“I'm sorry.” yumuko pa sya. 

May paprotect protect pa kasi kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko. Hindi na naman ako bata. Kung sinabi nila sa'kin agad edi sana hindi nalang ako tumuloy.

“Is that it?” sadyang tinarayan ko ang boses ko. Naiinis ako eh. Wala silang tiwala sa'kin.

“Georgee.”

“Is that it?" Pagulit ko, this time mas tinarayan ko pa ang tono ng pananalita ko.

George ng george, wala nalang ibang masabi kundi 'yun. Akala naman nila madadala nila 'ko sa paganyan ganyan nila. Okay! Ayaw lang nila akong mapahamak kaya hindi nila sinabi sa'kin, gusto raw nila akong iprotect. They did it for my own sake.

Ang mahirap lang dito hindi nila tiningnan 'yung magiging resulta. They act without even thinking kung anong magiging resulta. Pakiramdam ko tuloy sinadya nila 'yon, na pinagtutulungan nila ako. Imbes na magtiwala sila sa'kin, hindi eh.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon