With the girls
“Aalis ka na naman? Napapadalas na ang pagovernight mo dun ah."
Napangiti ako bago siya nilapitan. “Aychuuu, ba't nagtatampo'yang baby panot na 'yan------.”
”Tumigil ka, Georgina!" Pinanlakihan ako ng mata.
“Kuyaa naman, katakot ka."
Inirapan niya lang ako. Parang babae talaga kahit kelan. Nagtatampo na siya kasi napapadalas na 'yung pagovernight ko kayna Lolo M.
“Overnight na naman? Kelan ka ba mapipirmi sa bahay?" Anya habang inaayos ang necktie.
Napanguso ako. “Hindi na 'ko mapipirmi sa bahay───ARAY!"
Nanapok amp. Child abuse 'to. Totoo lang naman ang sinasabi ko e.
“Kung ganyan lang din naman palalayasin na kita." Madiin niyang tugon. Napasimangot ako.
“E ba't ikaw araw-araw wala sa bahay? Late ka na nga umuuwi e, nakikipagdate ka pa no?" Pangasar ko sa kaniya, try lang baguhin topic baka kumgat hehe.
“Nagtatrabaho ako, Georgina."
“Nag-aaral naman ako, Kuya." Giit ko naman.
Napataas ang kilay niya. “Tss. Siguraduhin mo lang na walang babastos sa'yo dun at walang mangyayaring masama sa'yo kundi manghihiram sila ng mukha sa itlog."
Huh? “Wala namang mukha ang itlog, adik ka ba?”
—_—
“Slow ka." Aniya bago umalis sa harapan ko. Sumunod na din ako sa kaniya, bitbit ang bag ko na may lamang dmit and pangpersonal hygiene.
Overnight kami ngayon eh. Magpapatulong kami kay Lolo M dun sa preparation sa gaganaping Noble's Week. Kaya eto nagtatampo 'tong panot kong kuya.
“Make sure to call me, okay? Kapag hindi ka tumawag o nagtext, pupuntahan kita don.” inilock niya na 'yung gate at pinto namin.
Napatango ako habang ngiting ngiti. Lumapit ako sa kaniya at saka tumalon para akbayan siya. Napayuko siya kaya naman ginulo gulo ko agad ang buhok niya.
“Oo na! Thank youuu kuyaaa!”
“Shitt! Nagugulo buhok ko!”
Napahagikhik ako at saka mas lalo pang ginulo ang buhok niya. Arte arte ng kuya kong 'to, if I know papapogi lang siya dun sa nililigawan niyang jamie daw ang name.
“Aissh! Isasako na kita.”
Sapilitang inalis niya 'yung pagkakaakbay ko sa kaniya at saka niya 'yun inayos.
“Pogi ka na naman ih, yieeeeeee. Okay, stop na 'ko."
Ikaw ba naman samaan ng tingin. Takot ko lang sa mukha niya. Napatahimik tuloy ako ng wala sa oras.
“I'll go, text me okay?"
Agad na tumango ako at saka siya sinundan ng tingin. Napangiti nalang ako. Kuya talaga. Naku, sswerte nung Jamie kapag sinagot niya yung kuya ko.
Makapunta na nga din kay Lolo M na resort!
SABADO na ngayon. Ilang araw na din ang nakalipas nung mangyari 'yung 'masamang panaginip' ko na 'yun. Hindi pa rin ako nakakamove on. Feeling ko sasabog ang puso ko sa tuwing naaalala 'yung panaginip ko na 'yun ih, parang totoo. Pero buti nalang hindi totoo, hindi ko maimagine 'yung mangyayari pagkatapos non. Baka hindi rin ako patulugin ng konsensya ko. Nagtataka pa silang lahat kung bakit daw ako nagiinarte. Hindi ko na sinabi ang reason.
![](https://img.wattpad.com/cover/329707806-288-k867672.jpg)
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Fiksi RemajaAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...