Chapter 37

243 10 1
                                        

Meeting her Brother

“Isasalvage niyo ba talaga ako?” napanguso ako. “Mawawalan ng maganda sa Noblesse High, sige kayo!”

“……… .”

Dinedma ako! Hanep 'yan.

Hawak hawak parin ni Gray ang braso ko, sumasakit na nga e. Saan ba naman kasi ako dadalhin ng mga walanghiyang 'to? Daming paekek, pwede namang sabihin kung saan. Palagi silang pasuspense.

“Bakit tayo umaakyat ng hagdan?”

Putanginams! Balak pa ata akong ihulog sa rooftop. Ket dalawang palapag lang 'tong building, mataas din 'yun. Kelangan kong makawala! Gusto ko pang mabuhay, susko.

Okay, kaya ko 'to!

Inipon ko ang lahat ng lakas ko at saka malakas na hinatak ang braso ko kay Gray. Nagulat siya kaya nabitawan niya ako. Whoooo! Effective! Hindi na ako mamamatay--------.

Nanlaki ang mata ko.

Bakit ako nakalutang sa ere? Shet! Nasa may hagdan nga pala kami pataas ng rooftop. Parang nagslowmo ang paligid, kitang kita ko kung paano nanlalaki ang mata nina Archer, Gray at Zero. Antanga tanga ko! Hindi nga ako mamamatay sa pagkakahulog sa rooftop, patay naman ako sa pagkakahulog sa hagdan. Mas lalong umikli buhay ko. Inang 'yan.

Napapikit nalang ako. Eto na ba? Katapusan ko na, huhu.

“Damn you.”

Bakit naririnig ko ang boses ni Zero?

Iminulat ko ang mata at..

Nabungaran ko ang siya. Bakit mukha siyang nagaalala? Nagaalala ba siya sa'kin?

Si zero, niligtas niya ako! Hawak hawak niya ang braso ko habang ang isang kamay niya ay nasa bewang ko. Bumaba din siya ng apat na hadgan para iligtas ako? Shete.. Aray ko po! 'Yung braso ko. Ang higpit ng pagkakahawak niya.

“A-araay.”

Humihigpit ang kapit niya, babaliin na talaga niya ang bones ko dis time. Saka lang natauhan 'yung dalawang nasa may taas na ng hagdan, nakita kong bumalik sila sa'min. Kita ko ang pagaalala sa mukha nila.

“Tanga ka ba o gusto mo na talagang mamatay?”

Napapikit ako ng sumigaw si Zero. Napayuko din ako, ewan ko ba pakiramdam ko ay tama lang na sumbatan niya ako. Antanga ko kasi e, kumikilos ako ng hindi tinitingnan ang posibleng resulta.

“George, what was that?” may halong pagaalala ang boses ni Gray.

“Muntik ka ng mamatay.” ani Archer.

Napakagat ako sa labi at saka lalong napayuko. “A-akala ko kasi ihuhulog niyo ko sa rooftop!”

Rinig ko ang paggasp nila sa inis? Lalo na si Zero, galit na galit, nananakit. Kanina pa ang higpit ng hawak sa braso ko.

“What the fuck? Are you noob?” hindi makapaniwalang ani Zero, nagsasalubong pa dalawang kilay niya. Tanda na asar na asar siya.

“Sa tingin mo magagawa namin 'yun, out of all people sa'yo? Ofcourse not! We're friends, remember!” bulyaw pa sa'kin ni Gray.

We're friends?

Magkaibigan pala kami? Tinuturing nila akong kaibigan? Akala ko ako lang 'yung nagtuturing sa kanila bilang kaibigan.

“E sabi niyo kasi isasalvage niyo ko! Malamang na magiisip akong tumakas!”

Tanga tanga, ba't kasi sila nagbibitaw ng salita na hindi naman pala totoo. Paano kung paniwalain 'yung sinabihan nila?

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon