Punishment
“*Yawns* ganto nalang ba tayo?”
Napahikab ako sa tanong ni Tim. “Siguro..”
“OO! WALA NAMANG NAPASOK NA PROF EH!”wika ni Wavin na nakaubob din sa lamesa. Bale lahat kami nakaganon, nandito kami sa cafeteria ngayon. Katatapos lang naming kumain, ayaw naman naming bumalik sa room dahil wala namang prof na napasok don. Simula nung nangyari kay Donald, wala nang professor ang nagklase sa'min. So, tengga kami ng isang linggo.
Bored na bored na ako.
Ginawa na namin lahat, inasar ko na ng inasar 'yung dalawa pero napapagod din akong mangasar kasi nga inaasar din ako pabalik. Ang ending pinagtulungan pa ako.
“Bakit kaya walang napasok na prof? Dapat pala umuwi nalang ako..” wala sa sarili kong sabi. Maang na napatingin naman sa'kin 'yung dalawa.
“Uwi nalang tayo tapos tambay tayo kayna Wavin.” pagaya ni Tim.
“OO NGA! TARA!”
Napakamot ako sa ulo ko. “Seryoso kayo?” aba't sabay pang tumango ang dalawa. Talagang seryoso nga sila. “Baka kasi biglang may pumasok na prof."
O kaya naman bigla na namang magkagulo. Gusto ko kapag nagkagulo, andito ako.
“Wala 'yan!”
“Huwag na tayong umuwi, next time nalang."
“HUH? BA'T NAGAAKIT KA KANINA?!”
Hindi ko pinansin sina Wavin at saka pumikit nalang. Kami lang ang tao dito sa cafeteria. Alauna na din kasi ng tanghali. Nagsikainan na din 'yung iba. Baka ngayon nga nagjojombagan na sila sa room.
Naalala ko tuloy 'yung mga nakamask, ano kayang nangyari sa kanila? Sigurado akong hindi papayag ng ganon ganon nalang sina Zero. Sigurado akong gaganti sila. May ginagawa sila palagi eh, ano kaya 'yun?
Umalis ako sa pagkakaub-ob at saka humarap sa kanilang dalawa. Curious na tiningnan naman nila ako.
“ANO?!"
“Anong nangyayari dun sa mga sumusugod sa section natin?”
Biglang nagiba 'yung reaction nila. Nagiwas sila sa'kin ng tingin. “Siguro naman deserve ko ding malaman diba?"
“Ihhhh…”
Ihhhh? Nakakunot ang noong tiningnan ko silang dalawa. Wala pa nga atang balak magsalita. “Sige na! Kahit ngayon lang.”
Napakamot sa pisngi si Tim. “Hindi mo na nga kelangang malaman.”
“Aba, bakit hindi?"
Pati sa kanila outcast ako? Na naman?
“KASI USAPANG PANGLALAKI 'YUN!”
Usapang panlalaki? Anong sinasabi nya? Anong ginawa nila? Wait, don't tell me. Nanlalaki ang mga matang napatakip ang kamay ko sa bibig. Nagugulat na tiningnan nila ako.“Don't tell me, tinorture nyo?!"
Hindi ako makapaniwala na magagawa nila 'yun. Grabe. Kahit na gaano pa kalaki 'yung ginawa ng mga 'yon, hindi naman tamang itorture nila.
“Ano tapos hanggang ngayon nasa hideout nyo pa sila kasi pinakidnap nyo? Tapos wala kayong balak pakawalan. Ilan na? Ilan na ang nakatengga dun sa hideout nyo ha? Ilan?"
Seryosong nakatingin lang sila sa'kin. Kulang nalang may lumabas na question mark sa mga ulo nila. “Sumagot kayo! Hindi ko alam na magagawa nyo 'to. Hindi ko maintindihan kung bakit?!”
![](https://img.wattpad.com/cover/329707806-288-k867672.jpg)
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
TienerfictieAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...