Games (Part Two)
Ang sakit ng noo ko. Namumula na ata. Ang lakas nung impact ng pagkakabunggo ko lalaking 'to. Hindi ako agad makagalaw. Kahit na naririnig ko 'yung mga sinasabi ng ibang mga Egg Warriors ay hindi ako agad makakilos.
Hindi nagsisink-in sa akin ang nangyari. Bakit hinila ni Zero 'yung braso ko imbes na tanggalin nya nalang 'yung pagkakahawak ko sa kwelyo nya? Bakit parang iniligtas nya ako? Bakit kelangan nyang hawak hawakan pa ako sa bewang?
Kung hindi nya ako hinawakan sa bewang hindi ko sana sya maitutulak! Hindi rin sana kami parehong matutumba.
Ang nakakainis pa nakahawak pa rin siya sa bewang ko!
“Stand up, Noburi."
Stand up? “Paano ako makakatayo, nakahawak ka sa bewang ko. Bitaw nga!" Kainis.
“Tss. Bakit naman kita hahawakan? Disgusting.”
Nagpalusot pa talaga siya sabay alis ng kamay nya. Waaw, galeng! Ibang klase talaga 'tong si Zero, hindi ko mareach ang level ng kaimpaktohan.
“Get off me." Inilagay nya 'yung kamay nya sa noo ko at pilit akong pinapatayo. Nagtawananan naman 'yung mga nasa paligid namin. Buset 'to ah! Inis na tinampal ko 'yung kamay nya. Samaan pa ako ng tingin. Amp!
“Kaya kong umalis ng sarili ko!"
Inayos ko muna 'yung hood ko bago sinimulang tumayo. Kaso hindi pa ako nakakatayo biglang dumulas 'yung kamay kong nakatuon sa magkabilang gilid ni Zero. Napasaklob din ulit sa'kin 'yung hood kaya wala akong nakita.
Napatumba ulit ako kay Zero na ikinamura nya. “Fuck! Get off me."
“A-aray. Tumahimik ka nga!"
Nilingon ko 'yung gilid at nakitang nakangisi don si Warren. Sabi ko na e! Imposible namang madulas nalang 'yung kamay ko nang ganon ganon nalang. Gawa ni Warren!
“Sorry." Nagpeace sign pa talaga ang walanghiya. Lumapit sa kanya sina Tim at Wavin at saka siya sinapok. Todo reklamo pa si Warren.
“T-tama na, Dude!” pagpigil nya sa dalawa. “N-nakuhanan mo ba, Jacob?"
Nakuhanan?
“Oo! Kuhang kuha!"
Kuhang kuha ang ano? Naguguluhan ako. “Damn them." Bakit nagagalit si Zero? “Stand up, Noburi."
Tumango ako. Mukhang naiinis na siya e. Kapag sinalungat ko siya baka sapakin naman ako. Patayo na ako pero bigla namang may nagtulak sa'kin, dahilan para mapasubsob ulit ako don sa impakto.
Napahawak ako sa ilong ko na napatama sa dibdib nya. Sakit. Punyemas na mga animal 'to.
“Huwag nyong paglaruan sina Astair, hayaan nyo silang tumayo." Wika ni Lolo M sa maawtoridad na boses.
Mangiyak ngiyak na nakahawak ako sa ilong ko. Ang sakit talaga huhu.
“Hayaan nyo na ngang tumayo si Astair!" Imbyernang wika ni Spade.
“Aray, ang sakit ng ilong ko.” mahina kong wika. Nag'tss' si Zero kasabay nang paghawak nya sa noo ko. Mangiyak ngiyak na napatingin ako sa kanya.
“Can you stand?" Tanong nya na ikinatango ko habang hawak hawak pa rin ang ilong ko.
”Myghad! Just stand up, George!" Iritang sigaw ni Corine. Eto na nga tatayo na!
Bumwelo uli ako patayo medyo inalalayan pa ako ni Zero, which is nakakapagtaka. Nakahawak sa aking braso ang kamay nya, inaalalayan ako patayo. Ang hirap tumayo! Bumigat bigla 'yung pajama na suot ko. Kasalanan talaga 'to ni Spade. -.-

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...