Mag-isa na naman ako ngayon. Umalis bigla si Spade, may tumawag sa kaniya. Si Lolo M ata. Kaya ayun, ang ending magisa na naman ako dito. Naiwan ako dito sa labas. Ayoko pang pumasok sa loob, madadaanan ko lang 'yung mga kaklase kong abnormal. Sure naman na kung ano ano na naman ang sasabihin nila sa akin. Lalo pa ngayon, ang akala nila ay girlfriend talaga ako ni Spade.
Atsaka mas peaceful dito sa labas. Ang gandang pagmasdan ng mga bituin. Nakakakalma ng puso. Mamaya nalang ako papasok kapag kaya ko na silang harapin. Isa pa ay iniisip ko rin ang sinabi ni Spade na si Zero daw ang Best President ng Class Z. Paano naman kaya siya naging Best President? Anong mga nagawa niya para irespeto siya ng ganon ng Class Z atsaka may kinalaman ba 'yon sa nangyari noon?
Hayyy. Ano na naman ba 'tong naiisip ko? Hindi pa ako nadala.
Naalala ko tuloy 'yung unang araw ko silang nakita, lahat sila may mga dalang itlog. Tulong tulong para mapaalis 'yung mga nambabato sa Classroom namin. At first, I thought they were so cool, astig kasi kumikilos sila bilang isang pangkat. May pagkakaisa sila. Akala ko ang swerte ko dahil mapapabilang ako sa section na nagkakaisa, buo at may tiwala sa isa't isa..pero hindi pala. Akala ko lang pala. Nang batuhin din nila ako at iparamdam sa'kin na hindi ako welcome sa section nila, sinabi ko sa sarili ko na sa una lang 'yan! Matatanggap din nila ako pagtagal. Kaso lang, magone month palang ako parang gusto ko na agad sumuko, para namang walang patutunguhan. Lalo na ngayon, isang buong klase sila na nagparamdam sa akin na hindi ako belong sa section nila.
Pati si Tim na tumulong sa'kin noon ay tinalikuran ako. Hayyyy.
“Hoy.”
Anong ginagawa ni Corine dito? Nakacross arms pa siya habang mataray na nakatingin sa'kin. Ay ba't ko ba tinanong, sigurado naman akong mangaaway at manlalait na naman siya.
“Kamusta ang date niyo ni Spade? Masaya ba?” nangiinsulto ang boses niya, may palakad lakad pa siya palapit.
Psh. Bahala siya diyan.
“Specialty mo talaga ang pagpapapansin at paglandi, no? Ang galing galing mo. Gusto na nga kitang bigyan ng Best in Malandi Award.” dagdag pa niya na nagpainis sa akin.
Best in Malandi Award? Wala akong nilalandi o inaakit. Sila ang lumalapit sa'kin, tch.
“Oohh. So, sino next target mo? Si Archer, August? O si Zero?”
Ignore mo lang, George. Mananahimik din 'yan.
“Na-ah, not my Zero. Akin lang si Zero. If I saw you with him again, I swear hindi ka na makakalakad pa!” Kinuha niya ang isang may kalakihang kahoy na nakita niya. Jusko, ano ba namang gagawin niya? Napatayo na ako.
“Pwede ba nananahimik ako dito. Bumalik ka nalang don sa loob.”
“Bakit natatakot ka? Oh dear, hindi mo pa nakikita ang kaya kong gawin. So, don't be.” humalkhak pa siya na akala mo'y kontrabida sa pelikula.
“Oo, inday. Nakakatakot ang mukha mo kaya pwede shoo! Shoo!” ginamit ko pa ang kamay ko para itaboy siya. Sumama ang mukha niya, inihampas niya ng malakas sa lupa ang kahoy at saka gigil akong tiningnan.
“Kapag eto hinampas ko sa'yo, tanggal 'yang gandang pinagmamalaki mo.” gigil niyang sabi.
Lol, magthank you ba ako? Alam ko naman na maganda ako pero hindi na nila kelangan paulit ulitin. Nakakaumay ha.
“Kapag 'yan naagaw at naihampas ko din sa mukha mo tanggal 'yang kapangitan mo.” ngumisi pa ako sa kaniya para mangasar. Asar na asar na nga siya, pfft. Dadayo dayo siya dito hindi naman pala kayang makipagsagutan. Hahaha, funny.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Novela JuvenilAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...