Mansion
Malayo pa ako pero tanaw ko na 'yung bunbunan este 'yung likod ni Spade. Nakaupo siya sa may duyan. Tanghali ngayon kaya medyo maunti ang andito. Pero merong nagtitinda ng ice cream.
“Spade."
Nilingon nya ako. Nakasuot siya ng simpleng white shirt tapos short, simple lang pero angat parin 'yung kagwapuhan nyang taglay. Ang unfair talaga.
Napatayo pa sya sa upuan nya. “You're here. Sitdown."
Parang bahay nya lang ah. Itinuro nya pa 'yung katabing upuan. Umupo nalang din ako tutal atat na atat na akong malaman 'yung sasabihin nya.
“Ano 'yung sasabihin mo sa'kin? Tsaka bakit bigla bigla kang sumusulpot?"
Nung isang linggo lang hindi ko na sya nakikita. Well, nagkulong nga pala ako sa kwarto. Pero kahit nagtetext sya sa akin madalang din. Hindi sa nageexpect ako.
“How are you? Your studies. How's your life nung hindi ka namin nakikita?"
Ay, magkakamustahan ba kami dito?
“Anuu---."
“Are you still mad at me?” lumamlam 'yung mata nya. Napaawang ang bibig ko, sasagot na sana ako pinigil pigil pa ako! Tapos magpapacute pa sa'kin, psh.
“Hindi na 'ko galit sa'yo. Tsaka naintindihan na kita ngayon."
Alam kong nagaalala lang sila sa'kin, naintindihan ko 'yung ginawa niya. Pero hindi parin maaalis sa'kin na isiping mali 'yung way nila. Pero, ayos na 'yun. Tagal na din naman. Tsaka si Spade 'yan e, alam kong hindi sya gagawa ng bagay na hindi nya pinagisipan. 'Yung desisyon nya lang na 'yon ang hindi ko maintindihan.
“Really?" Sumigla ang boses nya at saka napapangiti. Tumango ako sa kanya.
“So, ano na yung sasabihin mo?"
“Sagutin mo muna 'yung tanong ko.”
Nangunot ang noo ko. Napakamot pa ako sa ulo. “Anong tanong ba? Tsaka nauna kaya akong magtanong!"
Tss. Sagutin nya muna 'yung tanong ko bago ko sagutin 'yung tanong nya. Nauna kaya ako.
“I'll answer you after you answer me.”
Waw. Nakikipagmatigasan. Napangiwi ako. “Sige na nga!”
“Naging tahimik 'yung buhay ko nung hindi ko kayo kasama.." Nakita ko ang pagbabago ng expression nyo, naging malungkot sya. “'Yung pagaaral ko? Tinapos ko lang 'yung exam ngayon pero hindi ako magtutuloy tuloy. Hindi na ulit ako papasok.”
“Bakit hindi ka tutuloy?”
Nagisip pa ako ng saglit bago sumagot. “For peace.”
Gusto ko lang ng katahimikan. 'Yun lang naman. Wala na akong ibang maisip na dahilan kundi 'yun lang.
“I see." Tumango tango siya.
Halatang hindi nagustuhan 'yung sinagot ko! Tss.
“So, ano 'yung sasabihin mo?"
“Pinapasundo ka ni Grandpa."
Pinapasundo ako? Magkahalong saya at kaba ang naramdaman ko. Kapag sumama ako edi makikita ko na uli si Lolo! Makakarating pa ako uli sa mansion nila!
Pero sasama ba ako? Baka hanapin ako ni kuya.
“Magpapaalam muna ako kay kuya."
Baka hindi na ako makauwi kapag hindi ako nagpaalam. Para pa naman siyang babae kapag galit.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...