With the girls (Part 2)
“………”
Ang tahimik!
Kanina pa walang imik 'tong mga kasama ko. Ewan ko ba't ngayon pa sila napipi. Yes, mga!
Kasama ko din ngayon sina Nadya, Mindy, Olyvia at si Corine. Tinotoo ni Lolo M 'yung sinabi niyang kaming dalawa ni Corine ang mamimili, kaso lang pinasama din nya sina Nadya.
Napalunok ako bago magsalita.
“Uhm, saan kaya-----.”
“SHUT UPPP!"
Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Hindi ko naman alam na bawal na palang magsalita ngayon. Sabay sabay pa talaga sila.
“Itatanong ko lang kasi kung saan 'yung lugar na bibilhan natin."
Sumandal ako sa upuan bago napasimangot. Sakay kami ng sasakyan ni Lolo M, 'yung mamahaling sasakyan na pinangdukot sa'min nung una. May driver na naghahatid sa amin ngayon sa lugar na papamilihan namin since don ni Lolo M kami gustong pabilhin.
Okay na nga sana sa kalapit na department store nalang kaso ayaw ni Lolo. Wala tuloy kaming choice. Sa unahan nakaupo si Corine, samantalang kaming apat naman ay nandito sa likuran. Magkalapit kaming dalawa ni Mindy.
Si Mindy na kanina ko pa kinakausap pero hindi man lang ako iniimikan.
“Kay kuyang guard mo kaya itanong, dzuh." iritang wika ni Corine, inirapan niya pa talaga ako.
Hayy, jusme. Sinulyapan ko si Nadya pero nakakunot lang ang noo habang nakatingin sa bintana. Si Olyvia naman busy sa pagcecellphone tapos etong si Corine, kanina pa nagm-make up.
May kaniya-kaniya silang buhay. Si Kuyang nagdadrive naman nakasalamin, hindi ko alam kung kanino nakatingin. Nakakahiya ding kausapin kasi nakaall black siya. -,-
Mananahimik na nga lang din ako.
Ano na kayang nangyayari don sa Resort? Gusto ko na agad makabalik. Hindi ko keri ang katahimikan nila. Hindi naman sila ganito eh. Sa tuwing nagkakaencounter kami, nilalait nila 'ko agad pero ngayon tahimik sila. Ano naman kayang hangin ang pumasok sa katawan nila?
“Tahimik niyo. Nausog siguro kayo." Mahina kong bulong. Super hina na kahit si Mindy sure akong hindi maririnig.
“We're not nausog.”
Ay, narinig pala.
Napalingon ako kay Mindy nang mahinang nagsalita siya.
“Bakit tahimik?"
Sana lang sagutin niya nang maayos.
Umikot ang mata niya bago inikot ikot ang dulo ng buhok gamit ang daliri. “Hm, Corine told us not to talk.”
Eh? Anong trip niya?
Hindi ako nagtanong pero sumagot din siya agad. Marahil ay dahil kita niya naman sa mukha kong naguguluhan ako.
“She wanted to think about what happened nung after ng incident kayna Tristan. You're naginarte non, right?… ”
Naginarte? Ay oo nga pala. Hindi ko naexplain kung bakit ako umiyak non.
“Then you keep on crying pa and then Zero and the other officers including you, went on the rooftop. Ano nga bang pinagusapan niyo non? You stayed there pa for more than 2 hours." Maarteng wika niya habang medyo nanghuhusga ang mata.
So, kaya natahimik sila ay dahil kay Corine na nagiisip kung anong nangyari nung araw na 'yon. Wait, nagseselos?
“Nagseselos si Corine?" Medyo napalakas na tanong ko.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Genç KurguAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...