Angel
"Tara na."
Aalis na sila?
Agad akong napatayo. Nakatulog na pala ako. Wala ng tao dito sa loob ng bus. Nasa baba na silang lahat. Napatingin ako kay kuyang driver, tinuturo niya 'yung mga kaklase kong nagsibabaan na.
Nasaan sina Timothy?
Agad na tumayo ako. Kinuha ko na 'yung bag ko at saka mabilis na bumaba. Ayon sina Timothy nasa tapat ng bahay nina Wavin kasama sina Zero, Gray at si Archer.
"Tim!" Pagtawag ko sa kaniya. Napatingin sa akin lahat. Nilapitan ko sila. "Nakita mo ba 'yung--."
"Wavin, alis na 'ko pre."
Naputol ang sasabihin ko. Napakagat labi ako para pigilan ang hiya. Pinakatitigan ako nina Zero, hindi ako makatingin sa kanila.
"Huy, uuwi ka na--."
"BYE!" Paalam ni Timothy kay Wavin at saka dali-daling nagtatakbo. Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.
Anong ginawa ko? Bakit hindi na naman ako pinapansin nina Timothy at Wavin? I look at Gray asking, he suddenly lowered his head. Ayaw eentertained 'yung mga tanong ko.
"Ah, Wavin..."
"HINAHANAP NA 'KO NG ATE KO, GOODBYE!" Kumaripas na siya papasok sa bahay niya.
Napakagat ako sa labi. Dahil ba 'to kay Zero? Kaya nila ako hindi pinapansin dahil sa leader nila? Sinulyapan ko ng tingin si Zero, naglolollipop pa siya habang tila natutuwa sa nakikita.
I gritted my teeth. Grabe talaga siya kahit kelan.
"Ano pang ginagawa mo dito? Wala na sina Tim."
I glared at Zero. Ang kapal talaga ng mukha ng impakto na 'to. Gusto ko siyang patulan pero huwag nalang. Inirapan ko siya bago lalampas na sana pero..
"George." Pagtawag ni Gray. Nakakunot ang noong tiningnan ko siya. "See you tomorrow."
I stared at him for a second bago lumampas ng tuluyan. See you tomorrow? Para ngang ayaw ko na pumasok bukas e. Kung wala lang talagang exam, magkukulong ako sa bahay ng buong araw.
Hindi ako pinapansin ng buong klase ngayon. Yung pakiramdam parang noong una lang na pasok ko sa Class Z. Naout of place na naman ulit ako.
I sigh. Gumugulo na naman.
---------------------------------*-*
Natapos na ang exam.
Si Sir Steve ang nagpaexam sa amin. Ngayong araw namin tinake ang panghuling exam, 2 days din 'yon. Nakakapagod pero tapos na ang stress.
Hindi pa rin ako pinapansin nina Tim, Wavin. Actually lahat sila. Sa loob ng dalawang araw na 'yon, mag-isa lang ako. Mag-isa akong kumakain. Mag-isa akong umuuwi. Mag-isa lang ako palagi. Wala nga akong nakausap sa kanila, maswerte na kapag nakausap ko ang isa o dalawa. Kapag naman nakakausap ko sila lagi nalang pabalang o 'di kaya'y tipid silang magsisagot. Nakakairita lang minsan at ...nakakalungkot.
Namimiss ko na sila.
Hindi ako sanay na mag-isa. Hindi nila ako pinapansin kaya syempre tumatahimik nalang ako. Alangan namang ipagpilitan ko sarili ko diba? Nakakapanibago din ang katahimikan sa buong Classroom. Minsan pumupunta nalang ako sa rooftop o 'di kaya'y sa lugar na tahimik, walang makakakita. Kasi wala din namang pinagkaiba, kahit kaharap ko sila para lang din akong mag-isa.
Bakit kaya sila naging ganito? Dahil kay Zero? Gusto ko tuloy siyang sumbatan. Pinapairal niya na naman ang pagiging pagkamatigas ng puso niya. Kaso lang kapag sinumbatan ko si Zero edi dapat sumbatan ko na din silang lahat? May sarili silang desisyon at may sarili silang boses. May choice sila pero pinili nilang huwag akong pansinin.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Novela JuvenilAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...