Accident
“Oh.”
Inabot ko kay Zero ang mga bond papers kung saan nakasulat ang mga impormasyon ng mga kaklase namin. Prente pa siyang nakaupo habang nakataas ang paa, ang kapal talaga.
“Are you sure this is complete?.”
Kinuha niya 'yon at sinuri suri pa ang nakalagay. Susko, ibibigay ko ba sa kaniya kung hindi pa kompleto?
“Binigay ko na sa'yo diba? Edi Malamang.”
Hirap na hirap pa nga akong kausapin 'yung mga kaklase ko. Kay Spade ko sana kukunin 'yung info kaso lang wala naman dito, si Lolo naman umalis kanina. Wala tuloy akong choice kundi magtanong sa kanila, makakaaway ko pa nga ang iba kasi ayaw sumagot ng maayos. Mga pahirap sa buhay!
“Okay, alis na.”
Sinamaan ko siya ng tingin. “Aalis ako ng kusa, hindi mo ko kelangang paalisin. Impakto!.”
Padabog na lumabas ako ng pinto ng kwarto niya. Oo, sa kwarto niya! Animal kasi 'yun. Napakatamad, siya naman 'yung may kelangan ba't hindi siya ang kumuha? Tss.
Magpapalamig na nga lang ako!
Pumunta ako sa may baba, ang balak ko ay kumuha ng ice cream sa ref. Hindi naman kasi madamot si Lolo sa pagkain, ang sabi niya kung gusto daw kumain ay kumuha lang. Masamang tumanggi sa grasya kaya hehe.
“Anong gagawin natin? Sasabihin ba natin kay Spade, Lolo, kay Zero, sa Officers?.”
Anong nangyayari? Rinig na rinig mula sa taas pa lang ang boses ni Kin. Nandoon ang lahat except sa mga officers nga. Nasa taas sina Zero eh, wala atang balak bumaba. Pero teka, ba't parang nagkakagulo sila don?
“No! Kapag sinabi natin sa kanila, there's a possibility na parusahan nila si August.” sagot ni Mindy na parang natataranta.
Ano ba talaga nangyayari? Bumaba na ako ng tuluyan. Napatingin sa'kin ang iba.
“Anong nangyari?.”
Mukha silang balisa, natatakot sa hindi ko malmang dahilan.
“S-si A-august tumakas----.”
”Huwag mong sabihin sa kaniya, Achylis! She doesn't deserve to know.” pigil ni Corine kay Achylis na ipapaliwanag na sana sa'kin ang nangyayari.
Tumakas?
“You mean umalis si August dito sa mansion? Bakit daw? Ang kabilin bilinan ni Lolo ay huwag aalis ng bahay.”
“Oo nga!.”
“Nako, lagot sila.”
Jusko, lagot si August kapag nalaman ni Lolo.
“Sa amin na lang 'yun. Don't you dare na sabihin 'to kay Lolo M, Spade o kaya naman kay na Zero. Kundi lagot ka sa'min.”
Tinalikuran ako nina Corine. Inaya niya din ang Class Z sa ibang lugar para daw hindi ko marinig ang pinaguusapan nila. Agad ko naman silang pinigil.
“Teka, officer din ako. Kaya hindi niyo pwedeng sabihin na tumahimik lang ako sa tabi.”
“Kaya na nga namin diba?.” asik sa akin ni Olyvia.
Tigas talaga ng ulo nila. Pinameywangan ko sila. “Kung kaya niyo naman pala bakit hindi niyo siya napigilan umalis? Pinaabot niyo pa sa ganito.”
Nakita ko ang pagbabago sa reaction nina Corine. Sumangayon naman sa akin ang ibang Class Z.
“Let her know!.”

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Novela JuvenilAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...