Yvo
I'm dead?
So, kilala niya kung sino 'yung lalaki na 'yun? Kung bakit ako tinawagan? Kung bakit parang galit sa kanila? Ano ba talagang nangyayari? Naguguluhan na talaga ako.
“Zero, kilala mo ba siya?.” seryoso ang boses kong tanong.
Ibinulsa niya ang cellphone ko na pinagtaka ko. Akin 'yun ih! Nilampasan niya ako at saka nagumpisang maglakad papunta sa kwarto niya. Agad ko naman siyang hinabol. Tatakasan pa ako, psh!
“Teka lang! Sagutin mo 'yung tanong ko. Sino 'yung lalaki? Bakit sinabi mo na I'm dead? Anong ibig sabihin nun?.”
Patuloy siya sa paglalakad, mas binilisan niya pang maglakad
nung nakita niya na sinusundan ko siya. Buset talaga. Sa inis ko ay tumakbo ako pauna sa kaniya at saka siya hinarangan.
“Sagutin mo sabi ang tanong ko eh!.”
Naiirita na 'ko!
Malamig ang mga matang tiningnan niya ako. Eto 'yung sinasabi nila na 'deadly stare'. Nakakatakot siyang tumingin pero hindi ako nagpatinag.
“You know what? I don't fucking care kung sino man 'yung tumawag sa'yo. Huwag mo kong idamay sa problema mo.”
Wow, talaga lang ha?
“E ba't nakikichismis ka kanina? Ano 'yun, nakikichismis ka dahil ayaw mong madamay sa problema ko ganoon ba?.”
Isa pa ay habang nakikinig siya kita ko sa mukha niya na kilala niya 'yung lalaki. Kaya bakit nagmamaang maangan siya ngayon? Dahil ba galit siya sa'kin at ayaw niya akong tulungan, ganon ba?
“Are you deaf? Or just fucking retarded?.”
“Aba, nakakainsulto ka na ah!.” bulyaw ko sa kaniya. “Alam mo kung ayaw mong sabihin ibigay mo nalang ang cellphone ko.”
Inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya. Hinihintay na iabot niya sa'kin ang cellphone KO pero hindi niya ginawa. Masama ang tingin na ipinupukol niya sa akin.
“Move.” tinulak niya ako paalis sa daanan niya at saka mabilis na naglakad papasok sa kwarto niya. Muntikan pa akong matumba sa pagkakatulak niya. Impakto talaga, Grrr!
“Buset ka talagaaaaaa!! 'Yung cellphone ko!.” sigaw ko pero nakalayo na ang walanghiya. Kinatok katok ko ang pinto pero wala atang balak lumabas. Jusko, nagiinit ang ulo ko sa kaniya. Inis na napasabunot ako sa sarili.
“Anong ginagawa mo diyan?.”
Napatalon ako sa gulat. Binalingan ko si Kin na nakatayo sa 'di kalayuan. Napaayos ako ng tayo.
“Si Zero kasi kinuha ang phone ko.”
“Phone mo? Bakit kinuha?.” takang tanong niya.
“Aba ewan ko. Nasisiraan na ata ng bait.”
Kinatok katok ko ulit ang pinto. This time mas nilakasan ko na, 'yung mayayanig mundo niya sa loob. Sure ako na hindi 'yun matatahimik, pilit at pilit siyang lalabas. Kasi kung hindi siya lumabas sisiguraduhin kong hindi matatahimik ang buhay niya!
“Teka! Huwag mong istorbohin si Zero.” pagpigil ni Kin sa'kin.
“Hindi ka ba nakikinig? Nasa kanya nga 'yung phone ko 'diba?."
Nakakairita na ha. Ako pa 'yung lumalabas na mali at istorbo. Kung hindi naman kinuha ni Zero phone ko edi hindi Ko siya guguluhin 'diba? Tsaka nagtatanong kasi ako ng maayos hindi ako sinasagot.
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
