Dedicated to Jhoyalcantara18
Outcast
“Anong nangyayari? Bakit sila ang nasa unahan? Akala ko ba ayaw nila? Bakit hindi niyo sinabi sa'kin?”
Tinitigan ko sina Achylis at August pati na din si Nadya pero nagiiwas lang sila ng tingin sa'kin. Mukhang walang balak na sagutin ang tanong ko.
“Sagutin niyo 'ko! Ano gan'to nalang? Nagmukha akong tanga oh." pasigaw kong sabi.
Napapatingin na din samin 'yung ibang Class Z at ibang tagaSection. Tsk. Ayaw talaga nilang sumagot. Woww. Napabuntong hininga ako at saka lumapit sa kanila. Hindi ko alam kung bakit sila nakayuko? Nahihiya ba sila? Ibang klase.
“Kinakausap ko kayo. Ang sabi ko bakit sila 'yung nandon!”
Nakakainis. Pipi ba sila kaya hindi sila makapagsalita? Ang dali lang naman sagutin ang tanong ko e. 'Yun na nga lang ang gagawin nilang matino para sa'kin hindi pa nila magawa. Kahit sabihin nalang nila 'yung rason kung bakit naging ganito. Umasa ako e. Tapos mapupunta lang sa wala.
“Shut up, will you?” inis na binalingan ako ni Corine, pawang kararating lang nila. Kasabay nila 'yung grupo nina Tim. Sya naman ang tinitigan ko.
“Huwag kang gumawa ng gulo dito. Mahiya ka naman!”
I scoff at what she said. “May hiya ako. Actually kanina pa nga ako nahihiya, nung ako lang magisa dito.”
Nilapitan nya ako hanggang sa nasa tapat ko na sya. Mas matangkad sya sa'kin kaya tiningala ko pa siya.
“You deserved it. Diba sabi ko sa'yo hindi ka belong sa Class Z?” pabulong nyang ani. Nakuyom ko ang kamao ko.
“So, sinadya niyong hindi ipaalam sa'kin?” naging malamig ang boses ko nang itanong 'yon. Parang ayaw kong marinig ang sasabihin nila. Kasi alam ko na naman eh.
“Yes! Sino ka ba naman kasi para sabihan namin?” proud pang sagot ni Corine.
Namuo ang luha sa mata ko. Binalingan ko sina Tim at Wavin na nasa tabi. Seryoso lang ang mga mukha nilang nakatingin samin. “A-alam niyo?”
Hinintay kong sagutin nila akong dalawa. Sana hindi..sana hindi nila alam.
“G-george, let me explain-----.” napapikit nalang ako sa sagot ni Tim.
“Ofcourse, alam nila! Dzuh, kabilang kaya sila sa Class Z." Medyo lumapit pa siya sa'kin ng konti. “Alam mo ba? Unang araw niyo palang na nagpapractice for debate, plinano na namin 'to. This isn't coincidence. Sinadya namin 'to para malaman mo ang lugar mo. Para hindi ka na magbida bida. Para alam mo na kahit kelan hindi ka mapapabilang sa section namin. Masaya ba ang pakiramdam ng iniwan sa ere? Pfft, kawawa ka naman.”
Unti unting tumulo ang luha sa mata ko dahil sa sinabi nya. Lahat pala ng ginawa naming training para sa debate, walang kwenta. Kunwari pang sinasamahan nila 'ko iiwan din pala nila akong magisa.
“GEORGE, I'M SORRY---.”
Binalingan ko si Wavin. “Alam mo 'yung masakit dito, Wavin? Akala ko okay na tayo eh, kasi nagsorry kayo sa'kin. Akala ko hindi na kayo uulit. Ayos lang sana kung sila lang 'yung tumalikod sa'kin, matatanggap ko pa. Pero kayo na itinuturing kong kaibigan, tinalikuran niyo din ako.”
Nacaught off guard ata sila sa sinabi ko. Lalapit sana sila pero pinigil ko. “P-please, dyan lang kayo."
Kasi hindi ko alam ang magagawa ko kapag lumapit sila sa'kin. Pakiramdam ko kasi hindi lang nila ako tinalikuran, tinapon pa nila 'yung pagkakaibigan namin.
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
