Chapter 2

395 10 0
                                        

Goal

Padabog na nilapag ko ang bag sa may sofa. Dirediretso akong pumasok sa may office ni Kuya, walang katok katok.

Bubulyawan ko na sana si Kuya kaso wala siya don. Wala akong nakita, maski anino niya wala! Saan naman kaya siya pumunta? Ni hindi nagpaalam sa'kin.

Nakita ko ang isang sticky note na nakadikit sa mesa. Galing kay Kuya!

Dear Bunso,

Nagpunta muna ako sa probinsya. Emergency lang, need ni Lola eh. Ikaw muna dito sa bahay, iniwan ko na din d'yan allowance mo for the whole month.

Take care, Lovelots.

Your poging kuya,
Gio

Arrgh! Sa dami dami ng araw, ngayon pa talaga siya umalis?. Wala naman kaso sakin kung maiwan ako magisa dahil sanay na naman ako pero ba't ngayon pa? Kaasar.

Atsaka saan naman siya nakakuha ng pera pangallowance ko this month?

Tinry ko siyang tawagin pero out of coverage naman daw ang phone niya. Napaupo ako sa sofa sa inis.

Umabsent pa naman ako para lang makausap siya pagkatapos wala siya dito? Ni walang paalam, basta basta nalang aalis? Tsaka bakit naman biglaan? Nakakapagtaka siya ha. Aissh.

∴∴∴∴∴∴∴∴∴∴∴∴∴∴∴∴∴∴∴∴∴

Dahil nga sa inis ko kay Kuya, nagmukmok ako sa kwarto. Inabot tuloy ako ng gabi, nakatulog pala ako. Nalimutan ko na wala palang gigising sa'kin at wala pa din pala akong luto.

“Gutom na 'ko.”

Pumunta ako sa kusina para tingnan kung may laman ang ref pero..

Wala kahit isang laman ang ref! Miski cup noodles, wala man lang. Nagugutom na talaga ako. T_T 
Wala akong choice kundi sa labas nalang kumain. Tinatamad pa naman akong magluto.

Nagsuot lang ako ng oversized shirt and short, nagcap din ako dahil madilim na sa labas. Syempre, bago ako umalis sa bahay siniguro ko muna na nakakandado ang pinto. Maya n'yan pasukin pa kami ng magnanakaw eh. Wala na nga kaming gamit, mananakaw pa.

“Aray!Buset!.”

Nalimutan kong nabugbog nga pala ilong ko kanina. Ansakit. Naalala ko na naman tuloy 'yung tungkol sa punishment sa Class Z.

Ewan ko ba, hindi talaga makatarungan ang parusa na naisip nila. Kahit ano pang ganda ng hangarin nila e mali padin na sa ganong klaseng paraan.

Kung ako nga sobrang sakit ng katawan dahil sa parusa na 'yan. Ano pa kaya sila na ilang taon na sa section na 'yun? 'Yung lalaki na nakausap ko kanina, hindi ko pala natanong ang name niya. Kawawa naman sila.. Dapat talaga bigyan din ng leksyon 'yung mga nasa likod ng pagpapatupad ng parusa na 'yan. Ginagawang laruan ang mga estudyante eh, hindi na naawa.

“Fuck you!.”

“Pwede ba umalis alis ka sa dinadaanan ko?.”

“Wtf?!.”

Mga kabataan nga naman ngayon walang pasintabi ang bunganga. Aba, mga punyemas na 'yon ah. Makamura wagas. Sino ba kasi 'yung minumura nila?

Nandito ako sa medyo maliit na kalye, walang masyadong tao dito at halata ring hindi daanan. Hindi ko masyadong aninag ang mga mukha ng lalaking nagmumura kaya naman medyo lumapit pa ako sa kanila. May pinagkukumpulan sila.

Lumapit pa ako para makita pa.

Isang matanda?

Isang matandang pulubi.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon