Chapter 44

73 8 6
                                    

Girl in Red

Ang bilis ng araw.

Nakakainis lang. Kung pwede ko lang pabagalin ang oras ay ginawa ko na kaso wala akong ganon na kapangyarihan at hindi ko na mapipigilan ang debate competition! Mamaya na, as in mamaya na talaga. Sobrang kinakabahan ako. Ilang oras nalang magsisimula na ang debate.

Napahawak ako sa dibdib at saka napapikit. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

“Ayyy, putek. Ang lamigggggggg.”

Napayakap ako sa sarili. Nandito kasi kami ngayon sa Resort ni Lolo M. 8:30 palang ng umaga. Ang sabi kasi ni Spade tutulungan nya raw kami sa preparasyon kaya ayun. Nagpaalam naman ako kay Kuya, nakaalis naman ako kaso may kasamang sermon. Aattend raw sya ng debate competition. Open sa public e, mas lalo tuloy akong kinakabahan. Kailangang galingan ko lalo pa't manonood si Kuya. Para naman ipagmalaki nya ko.

*Achuuuuuu!

Napahawak ako sa ilong ko matapos mapabahing kaso napayakap uli ako sa sarili. “Whooo, ang lamig. Hindi naman tagulan bakit ang lamig?”

Tanga mo kasi, George. Ba't kasi nasa labas ka?

Gusto ko lang naman magpahangin, hindi ko naman alam na grabe pala ang lamig dito.

“Waaaaahhhhh!”

Napasigaw ako sa lamig.

“Kung hindi ka naman kasi tanga, ba't nasa labas ka?”

Eh?

Napalingon ako sa nagsalita. Walang iba kundi si August. Kasama nya rin si Achylis, pawang nakajacket sila pareho. Nakangisi si August samantalang parang walang muwang sa mundo lang akong tiningnan ni Achylis. Sinimangutan ko sila.

“Gusto ko eh!”

“La-lalamigin ka t-talaga nyan, George."

Pinaningkitan ko ng mata si Achylis. “Ikaw, nilalamig ka ba kaya ganyan ka magsalita?"

Kasi kung bumabalik na naman sya sa pagiging utal nya ay masasapok ko sya. Ayos na pormahan nya e, 'yung paggalaw nalang nya at pagsasalita. Paano sya maliligawan kung ganyan sya este manliligaw?

“Nilalamig ako hehe.”

Tumango tango ako. “Mabuti.”

Umupo sila pareho sa magkabila ko. “Anong ginagawa nyo dito, ready na ba kayo? Mamaya na 'yung competition, huwag kayong aabsent!”

Ano namang nakakatawa? Bigla nalang silang tumawa sa tanong ko. Mga adik.

“Oo, ready na kami.”

“Ikaw, ready ka na ba?”

Napabuntong hininga ako. Hindi pa ako ready! Hindi pa ako ready pero kakayanin.

“Kaya natin 'to!”sagot ko nalang sa tanong nila.

“Hindi ka pa ready no? Bawal umatras ha!”

Tinaasan ko ng kilay si August. “Kelan pa ako umatras? Kapag sinabi kong gagawin ko, gagawin ko!”

Hindi naman ako basta basta lang nagsasalita ng hindi ko naman pala kayang gawin. “Tsaka isa pa, manonood si Kuya. Galingan natin ha!”

Binalingan ko sila pareho. Ewan ko ba parang biglang nagbago 'yung expression sa mukha nila. May lungkot, doubt, kaba akong nakikita. Hindi ko din alam kung bakit parang dismayado 'yung mukha nila?

“Bakit ganyan itsura niyo? Natatakot na ba kayo?” ngumiti pa ako ng mapangasar. “Naku ha, kaya natin 'to. Tsaka 'diba nga kasama niyo ko. I got you."

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon