Chapter 57

158 7 0
                                        

Visit

“Malapit na tayo sa bahay natin, George----ARAY KO! BA'T MO 'KO SINAPOK?!"

“Ang kapal ng mukha mong sabihing bahay 'natin', nananaginip ka ba ha?!”

“ANONG MASAMA DUN? MAGKALAPIT LANG NAMAN ANG BAHAY NAMIN AH, ALANGAN NAMANG SABIHIN KONG BAHAY KO AT BAHAY MO.”

“Mas magandang pakinggan 'yun!"

“ULOL, KATAMAD BIGKASIN!”

“ULOL KA DIN!”

Badtrip.

Ayoko na umuwi!

Pagkatapos ng halos limang oras na byahe, parang ayoko nang umuwi. Lagot ako kay kuya neto, naalala ko 'yung mga pinamiling naiwan namin dun sa mall kanina. Pati 'yung cellphone ko.

“Parang ayoko nang umuwi.." Mahina kong sabi, bakas din don ang lungkot at pagkadismaya na nararamdaman ko.

“Bakit? Bakit ayaw mo nang umuwi?”

Napabuntong hininga ako. Wala ako sa mood sagutin 'yung tanong nya. Iniisip ko kung paanong gagawin ko mamaya kapag nakauwi na ako sa bahay. Siguradong malalagot ako neto.

Kasama ko padin ngayon 'yung apat na sina Zero, Gray na pawang mga tulog, samantalang napakaingay naman netong sina Tim at Wavin. Sinadya atang hindi matulog ni Tim para may kaaway este may manggigising kay Wavin kapag nakatulog.

“NYARE SAYO?" Tanong din ni Wavin, kita ko pang tiningnan nya 'ko sa salamin.

Napabuntong hininga ako bago sumagot. “Naiwan ko kasi 'yung pinamili ko sa mall tapos 'yung cellphone nandon din. Lagot ako kay kuya!”

Napasabunot ako sa buhok ko, gulong gulo na tuloy lalo hindi pa naman ako nagsuklay.

“Ay antanga mo nga. Ba't kasi hindi mo 'ko sinama? Ba't si Zero sinama mo, mas gwapo naman ako dyan. Nakadiscount sana tayo ng malaki.”

Napangiwi ako sa sinabi ni Tim, may pagkindat pa talaga ang walanghiya. “Hindi naman si Zero ang kasama ko e, si Gray. Nakita ko lang si Zero sa mall."

“ANO?!"

Nakakagulat, susmaryosep. Bigla nalang sumisigaw 'tong si Wavin. Makatingin pa akala mo mangangain, ganon din si Tim. Sumasakit tuloy ulo ko lalo sa kanila.

“Si Gray kasi ang pinasama sa'kin ni kuya----."

“ANOO?! MAY BASBAS SYA NG KUYA MO?”

“Huwag nga kayong maingay! Kita mong may tulog eh!"

Sasapakin ko na 'tong dalawang 'to e. Inirapan lang naman ako ni Wavin tapos yinugyog pa si Gray na katabi nya sa unahan, buti nalang tulog mantika si Gray.

Pero napaisip ako, totoo naman talagang may basbas siya ni kuya eh. Kasi pinayagan siya na makasama ko.

“Hmm, oo. Pinayagan sya ni kuya. Nagtataka nga din ako eh.”

Ayaw naman ni kuya sa mga 'to nung una pa lang. Ewan ko lang kung anong sumapi sa kanya't napapayag sya.

“TAKSIL KA, GRAY!”

Binato pa ng papel ni Tim si Gray na nasa unahan, natamaan sa ulo si Gray pero hindi parin nagising. Sinita ko naman agad sya, walang manners 'tong batang 'to.

“Si Zero, paano nakapunta don?”

Hindi ko rin alam. Umiling lang ako kay Wavin nang magtanong siya sa mahinahon na boses. Mukhang wala na naman sya sa sarili nya.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon