Chapter 54

164 6 0
                                        

Mood

Isang linggo na ang lumipas mula nang malaman ko na hindi pala ako pwedeng magdrop-out. Isang linggo na din akong hindi pumapasok. Nandito lang ako sa bahay maghapon.

“GEORGE! BILIS, BUKSAN MO 'TONG GATE!”

Napafacepalm ako.

Susko, marimar. Eto na naman sila. Sa araw araw na ginawa ng Diyos, andito sila palaging nangungulit. Si Tim, Wavin at si Gray. Tuwing umaga at hapon nalang andito sila! Nakakasawa mukha men!

“BILIS, BUKSAN MO!”

“Bilis, George! Namumuti nalang ang mata ko sa kakaimtay dito! Ang bagal!” dagdag pa ni Timothy.

Aish, demanding? Kapal muks ha. Kapag hindi lang talaga matino ang sasabihin nya, humanda siya sa'kin.

“Oh, ano?” mataray kong tanong pagkabukas ko ng gate.

Nandito silang tatlo, as expected. Ngiting ngiti si Tim at Wavin, habang nakapoker face lang si Gray. May kung ano silang tinatago sa likod nila. Ano kaya 'yun?

“May ibibigay ako sa'yo.” ngiting ngiti pa talaga si Tim.

Napakamot ako sa ulo ko. “Ano nga? Bilis na, magsasaing pa 'ko.” sabi ko nalang kahit nakasaing na talaga ako.

“ETO OH!” may inilabas si Tim at Wavin sa likod nila at…

“AYYY!"

Buset, muntik na 'kong mabuwal sa kinatatayuan ko!

“Ano ba?! Ang sabi ko ilabas nyo, hindi ko sinabing isubsob nyo sa mukha ko 'yan!"

Kainis, walang common sense. Ibabalik ko sila sa Grade one. Tangina, isubsob ba naman sa mukha ko? Lapit na lapit talaga, wala na nga akong makita eh!

“Ang atat mo kasi 'yan tuloy!” sagot ni Tim na may halong pangaasar sa tono ng pananalita.

Tinaasan ko siya ng kilay at saka itinuro ang malalaking stuffed toys na dala nila, may kuneho, may snorlax, merong pang doraemon! Ang kukyut! Kung hindi lang ako galit sa kanila baka kanina ko pa naagaw 'yung mga stuffed toys, although mas gusto ko ang panda.

“Ano ba kasi 'yang mga 'yan?”

“ Ano ba 'yan, George! Malamang stuffed toys. Ang sabi ko kasi sa'yo pumasok ka!”

Pilosopo, aish. Nanggigigil na tiningnan ko sya. “Alam kong stuffed toys 'yan, hindi pa naman ako masyadong bobo. Ang tinatanong ko ba't may dala kayo nyan?”

Itinaas ulit nila 'yung stuffed toys na hawak nila. Kunwaring kumekembot pa 'yung Kuneho ni Wavin dahil pinapakembot nya. Ang cuteeeeeee men!

“This isn't for you.” sagot ni Gray, siya 'yung may hawak ng doraemon.

Hindi para sa'kin? Pinameywangan ko silang tatlo.

“Wala naman akong sinabing para sa'kin ah. Tsaka hindi kaya ako assuming!”

Kahit ang totoo, nagaassume talaga ako. Gusto ko na ngang agawin eh. Ang mga Impakto nginitian pa ako ng mapangasar.

“Assuming ka kaya. Nung isang araw nga na may dala akong chocolate, akala mo para sa'yo inagaw mo agad.”

Gusto kong tuktukan si Tim. Kinakalimutan ko na nga 'yon tapos ipapaalala nya pa? Nasaan ang GMRC nya?

“OO NGA TAPOS NUNG MAY DALA AKONG ISAW HAHAHAHAHAHA.”

“Pfft. Assuming George.”

Tangina men. Nagawa pang mangasar. Edi sige, assuming na nga! Aaminin ko na hindi naman nila kelangang ipamukha.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon