Chapter 55

168 8 0
                                        

A day with HIM

“So, bakit nga ikaw ang kasama ko ngayon? Buti pinayagan ka ni kuya. Ba't parang close na agad kayo, dati lang kung paalisin nya kayo ay wagas eh.”

Sinuhulan kaya nya si kuya?

“Tsaka ba't ka naman pumayag na samahan ako? Wala ka bang klase? Nakaabala pa talaga ako sa'yo. Iwanan mo na 'ko dito, kaya ko naman magisa. Kapag nagtanong nalang si kuya sabihin mo sinamahan mo 'ko.”

O baka naman si kuya ang nagsuhol sa kanya?

Binalingan ko ulit siya. Hindi nya man lang ako nililingon, nakafocus lang siya sa pamimili. Siya na nga 'yung may hawak ng listahan ng bibilhin ko. Oh, 'diba bida bida lang?

“Sige na, iwanan mo na 'ko dito. Keri ko naman-----.”

“What's this one? With wings or not?” itinuro nya 'yung napkin na nilista ko. Isinama ko lang talaga 'yun sa lista ni kuya since makakalimutin ako. Hindi ko na din namalayan na nasa may bilihan ng napkin na pala kami.

Agad kong inagaw 'yung lista sa kanya. Pakealamero kasi 'to eh. “A-ako na mamimili neto! Dun ka nga!” tinulak ko siya pero ayaw patinag.

Siya na ulit 'yung nagtulak nung shopping cart namin. Nakakahiya ah! Nakasunod pa siya kung saan ako pumupunta.

Bahala nga siya. Tumigil ako sa may Modess na section, kinuha ko 'yung kulay violet na napkin. Dinalawang balot ko na para hindi  na 'ko bibili. Inilagay ko 'yun sa cart tutal nakasunod naman sa'kin si Gray. Patango tango pa talaga siya.

“So, with wings pala.” nakahawak pa siya sa baba nya na parang may nadiscover siyang napakaimportanteng bagay.

Putanginams. Pati ba naman napkin?

Binatikal ko sa kanya 'yung isang balot na napkin na nadampot ko. “Tigilan mo na 'ko sa with wings, with wings na 'yan ha!”

Nananahimik naman kasi 'yung napkin kung ba't pinapakealaman nya. Kaasar.

“What?” inosenteng tanong nya.

“What mo mukha mo."

Iniwanan ko na sya at saka nagsimulang maglakad. Madami dami pang nakalista na hindi ako nabibili.

“What about this napkin?”

Inis na nilingon ko siya. Ba't ba hindi siya makamove on sa napkin na 'yon?

“Bilhin mo 'kung gusto mo.” sagot ko, itinuturo nya sa'kin 'yung napkin na binato ko sa kanya. Tumalikod na ako after sabihin 'yun.

Madami dami pa 'kong bibilhin. Andaming inilista ni kuya. Sinusulit nya talaga dahil nagsweldo na sya. Pati damit at gamit sa kusina nagpabili si kuya.

“Eto nalang.” pagturo nya sa sandok na medyo malaki.

“Huwag na 'yan, eto nalang." Tinuro ko naman 'yung sandok na katamtaman lang ang laki.

“That's too small. Mas maganda 'to.”

“Mas maganda nga 'to, hindi kaya 'to maliit. Malaki lang talaga 'yang sandok na napili mo.”

Mas maganda kaya kung katamtaman lang ang laki ng sandok. Ang OA OA lang pumili ni Gray, malaki na nga 'yung sandok nya napakamahal pa.

“Eto nalang!” inilagay ko na sa cart 'yung napili ko.

“That's too---."

“Heh! Ako namimili 'diba?”

“Fine.” tila sumusuko nyang sabi. Binitawan nya na din 'yung sandok na hawak nya sa wakas. Akala ko aabutin pa kami ng isang oras sa pagtatalo. Buti nalang nadadaan sa pakiusapan 'tong si Gray.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon