Chapter 5

227 10 0
                                        

Week of Hell

“Ayos ka na ba?”

Napabuntong hininga nalang ako kay Timothy. May benda ang ulo niya pati na rin ang braso niya.

Jusko, unli lang? Nakasampong ulit na ata siyang tanong eh. Paulit ulit ko na din siyang sinasagot.

“Isa pang ulit sasampalin na kita.”inis kong sabi na ikinatawa niya.

“Okay ka na nga, hahaha.”

Tss. Buset na 'yan.

Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa kanya. Mula kanina ay nandito na siya sa may clinic room na pinagdalahan sa'kin. Alam ko naman na nagaalala siya pero mas malala pa kaya 'yung natamo niya kesa sa'kin. Dapat sarili niya inaalala niya no. 

“Bakit ka ba nandito? Diba dapat nasa room mo ikaw?”

Dahil nga kasi mayaman ang Noblesse High, marami silang Clinic Room.

“I'm fine. Ang lakas ko kaya.” kumindat pa siya sa'kin. Inismiran ko naman siya. Ayos na nga siya, mayabang na eh.

Hindi ko alam kung saan dinala 'yung lalaking knockout na Wavin pala ang pangalan. Si Zero naman feel ko hindi 'yun magpapaclinic, sagad sa buto kayabangan at kapride-an nun eh.

'Yung teacher naman namin bumalik daw do'n sa parking lot, may mga kasama na siyang ibang teachers and officers pero wala na namang natirang tao dun.

“You know what babalik na ako sa Classroom.” tumayo ako at saka maglalakad na sana pero pinigilan ako ni Timothy.

“Remember when I told you about the condition?”

Oo nga pala! May kapalit nga pala 'yung sinabi niya. Kaso lang hindi niya sa'kin sinabi kung ano 'yung kondisyon.

“Oo nga pala, hindi mo sa'kin sinabi. Nilayasan mo kasi ako!.” 

Napakamot naman siya sa ulo. “Sorry for that.”

“So, ano na?”

Parang nagaalinlangan pa siya pero sa huli ay nagsalita siya.

“About the condition. 'Yung kondisyon na kapalit nung sinabi ko sa'yo ay..”

Napataas ang kilay ko. Ano?

“Bilis, pabitin naman eh.” inis kong bulyaw sa kaniya.

“Huwag mong pakealaman ang Class Z. Hayaan mo na 'yung punishment. Basta huwag mo na pakealaman.”

Ha? Am I seriously hearing this from him?

“Seryoso ka ba?” napataas ang boses ko.

Tipid na tumango lang siya. I sarcastically laugh at him.

“Ang sabi ko diba tutulungan ko ang Class Z?na maalis ang punishment na 'yun, na mabago ang kapalaran nila.” napatigil ako sa pagsasalita. “Tapos sasabihin mo sakin ngayon, huwag makialam? Eh, kaya ko nga inalam 'yung mga impormasyon na 'yun eh para makatulong ako!”

Nabubuset ako!

“Yeah, I know that. Listen to me first---.”

“No! You listen to me! Sa ayaw at sa gusto niyo, makikialam ako.”

Iniwan ko na siya doon after kong sabihin 'yun sa kaniya. Ewan ko ba, ang labo niya. Bakit ayaw niyang tulungan ko sila? Dahil ba transferee lang ako? So, bakit niya pa hinayaang malaman ko 'yung about sa punishment na 'yun?

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon