Chapter 101

136 6 5
                                        

Noble's Week

Mabilis na dumaan ang sabado at linggo. Lunes na ulit ngayon. Simula na ng marahil ay pinakahihintay ng ibang students ng Noblesse High, ang Noble's Week.

Kahit naiinis ako sa ibang estudyante at namumuno, hindi ko naman maipagkakailang pasabog 'yung event nila. Andaming paganap, andaming booths, kaso lang hindi pwedeng magpapasok ng outsiders. Pagpasok palang namin kanina tumambad 'yung naglalakihang banners for Noble's Week, 'yung mga stall ng yayamanin nilang pagkain at 'yung mga nakacostume na mga estudyante. Dito sa aming mga 4th year ay napakaengrande ng event.

Hindi ko lang sigurado don sa lower year. Magkaiba kasi ng place since nung nagmeeting kami, want ng 4th year na walang kasamang ibang year pagceleb. So, exclusive for 4th years lang 'to, nasa ibang venue 'yung lower year. Daming paekek. -.-

Pagpasok palang din namin kanina, excited na excited na ang lahat. Excited sa pagkain, sa event, sa booth──pero hindi kami.

Kasi hindi naman kami makakapagenjoyyyy. :<

Kelangang bantayan 'yung booth namin which is recycling booth nga dahil  kanina pa nagbabagsakan 'yung mga basura dito. Nagbabagsakan dahil sinasadya ng ibang section na tambakan kami.

“Here."

Nakangisi si Nero nang ibaba sa harap ng booth naming maganda 'yung isang trash bin na punong puno ng basura. Napabuntong hininga ako at saka kinuha 'yon.

Tss, nakakainis kasi. Ang sabi sa'min need na makikita nila 'yung actual na ginagawa sa recycle materials. Hindi nalang sabihin na ayaw nila kaming magenjoy, kaasar.

“Oh, eto daw."

Ipinasok ko 'yun sa loob ng booth namin. Syempre bongga 'yung stall namin, malawak 'yung loob tapos maaliwalas tingnan sa labas. Hindi OA 'yung design. Si Lolo kasi e, syempre palaban kaya ayan. Siya 'yung nagasikaso.

“Sige, lapag mo diyan." Ani Jacob na seryosong seryoso sa ginagawa niya. Kasama niya din sa loob si Kin, 'yung iba naman nandon sa room. May hinanda kasi kami para lang sa event na 'to, hihi.

Inilapag ko na 'yung basurahan don. Pasimpleng sinulyapan ko si Kin na tumaas ang kilay bigla. Napatingin lang e!

Makalabas na nga lang.

Oh, teka. Andito pa din siya?

Napataas ang kilay ko kay Nero na nasa labas pa din ng booth namin. Nakangisi pa talaga. Tumikhim ako dahilan para taasan niya din ako ng kilay, lumapit ako ng konti sa kaniya.

“May kailangan ka?"

Ngumiwi siya kasabay ng paglayo sa akin. Baliw 'to ah. Anong akala niya sa'kin human germs?

“Sayo? Wala no, chaka mo.” maarteng sagot niya.

Tss. Chaka pala.

“Oh, wala ka naman palang kelangan dito. Alis na."

I shoo him. Wala naman palang kelangan e.

Nanunuyang tiningnan niya ako. Nginitian ko pa siya ng mapangasar.

“Like who are you to tell me to leave? Dzuhhhh."

I rolled my eyes. “Dzzuuuh, booth kaya namin 'to─.”

“Oh, let me rephrase that. Booth ng Class Z 'to and you're not belong to their section so shut upp."

Napahinto ako sa pagsasalita. Ang kapal naman niya para sabihin sa'king hindi ako belong. Nagf-feeling na nga akong belong tapos papaalala pa niya? Ni hindi nga ako sinasabihan nung mga Egg Warriors na hindi belong tapos eto siya ngayon.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon