Chapter 34

172 9 0
                                        

Admirer

Monday ngayon, ngayon ang balik ko sa Noblesse High. Ngayong araw din ang uwi ni Kuya. Kaso sabi niya baka mamaya pang hapon siya umuwi.

“Hi, Ms. Pretty!”

Kinawayan pa ako ni Shin, napangiti naman ako't kinawayan siya pabalik. Nasa may labas si Shin ng bahay nila, naglalarong magisa. Ewan ko ba sa nagaalaga sa kaniya, hindi pa nadala. Palagi nalang iniiwan si Shin mamaya niyan mapahamak na naman siya.

Nangengealam ka na naman, George.

“Baby Shin, just stay there ha. Don't go near this highway, okay?”

Nagokay naman siya sa'kin. Mukhang naintindihan ang sinabi ko. Buti nalang may baon akong english. Nginitian ko pa siya bago lumakad na. Nakita ko kasing lumabas si Wavin. Hindi ko naman gustong makasabay siyang maglakad kaya mauuna na ako.

One week din akong halos hindi naglakad sa daanang 'to. Nakakamiss din pala lalo na 'yung mga tubig na bigla bigla nalang Ibubuhos sa'yo. Susko. Buti nalang natuto na ako!

“George.”

Bigla akong kinabahan ng marinig ang boses ni Wavin na tinawag ang pangalan ko. Hindi pa ako ready na kausapin siya. Tsaka naeenjoy ko ang katahimikan na tinatamasa ko ngayon. Ayoko muna ng gulo.

“GEORGE!”

Nagpatuloy lang ako sa paglakad at hindi pinansin ang masamang espiritu na nasa likod. Mas binilisan ko pa para hindi niya ako maabutan. Ayokong marinig ang sasabihin niya. Panibagong sakit sa puso na naman 'yon, ayoko na.

“GEORGE, PANSININ MO AKO!”

Ba't kita papansinin? Lol.

Pagkatapos nila akong talikuran, husgahan at hindi kausapin? Ulol ba siya. Manigas siya d'yan. Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko. Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero wala akong pake.

“PANGET, ANO BA!”

Tinawag niya akong panget. Kumirot ang puso ko pero hindi ko siya nilingon pa. Palakas pa ng palakas ang pagtawag niya, jusko. Kung hindi lang ako inis sa kaniya nasampal ko na siya.

“PANGET, 'YUNG NAPKIN MO NAHULOG!!”

Ano daw? 'Yung napkin ko?!

Jinojoke time niya ba ako? The last time I check nasa bag ko 'yung napkin ko. Lol, akala niya ata mapapatigil niya ako sa paglalakad. Iba din.

“'YUNG NAPKIN MO NGA NAHULOG! BUKAS ANG BAG MO OH. TSAKA ANO BA 'TO? BAKIT PARANG MAHABA?! ”

Agad kong kinapa ang bag ko, wala ng adoon ang napkin! At nakabukas pa ang bag ko.

Syeteee, syete!

Nilingon ko si Wavin at saka sinamaan ng tingin. Hawak hawak niya ang napkin ko sa kabilang kamay at talagang winawagayway niya pa! Naku po!

Pinagtawanan na din tuloy kami ng tao dito sa daanan..May iba pang nagsabi na 'Atleast may dumadalaw sa kaniya 'diba'.

Buset na kahihiyan 'to!

Nilapitan ko si Wavin at saka inagaw sa kaniya ang napkin ko. Pagkakataon nga naman, oo. Ngayon pa nahulog 'tong pesteng napkin na 'to. Myghad.

“WITH WINGS BA 'YAN? BAKIT MAHABA?!”

“Wala kang pake!”

Hindi ko naman alam na interesado na pala ngayon sa napkin si Wavin. Abnormal, amp. Naririnig ko pang humahalakhak siya. Ano naman kayang nakakatawa don? Mamaya sabunutan ko siya.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon