Meeting (Part 2)
Official na.
Recycling booth na nga talaga sa amin. Katulad ng sabi ni Mrs. De Villa, matetest dito 'yung creativity namin. Although hindi ako masyadong sure kung magiging maganda ang kalalabasan ng booth na 'to pero isa lang ang sigurado ako── madaming tututol na Egg Warriors. Rich kid kasi.
Napatingin ako sa mga kasama ko.
Seryoso sila. Hm, bakit kaya sila pumayag sa recycling booth? Nakakapagtaka lang. Alam na alam nilang pagtatawanan sila ng mga kaaway nila pero pumayag pa din sila.
Napabuntong hininga ako. Naapektuhan ko ata sila dahil sa ginawa kong paglabas ng opinyon. Hayy.
“Uy, pangit mo.” tinusok pa talaga ang pisngi ko. -,-
Hinawi ko 'yung kamay nya. “Tse! Tumigil ka Timothy.”
Ngisi lang ang isinagot nya sa akin. “Problema mo ba?”
Problema ko?
“Wala.”
Napatingin din sina Kin, Zero, Wavin, Gray at Archer sa akin inshort lahat sila! Nahiya 'yung ganda ko. Tumaas ang kilay ni Zero, maging 'yung iba parang inaantay 'yung sagot ko.
“Oh, ba't nakatingin kayo sa'kin?"
“Spill it." Seryosong ani Gray.
Ehhh? Kelan pa sila nagkaron sa pake sa opinyon ko? Sa nararamdaman ko? Sabihin ko ba? Mukhang hinihintay ang sagot ko.
“……”
“Edi wag───.”
“Bakit niyo kinonsider 'yung recycling booth?" tanong ko. “Obvious naman na magiging disadvantage 'yun sa inyo.”
Ngayon palang inaasar na sila---kami, nung grupo nina Yvo. Maski nina Nero. Maya't maya silang tumitingin samin sabay tatawa, akala mo'y nakakaloko. Kanina pa ako naiinis lalo na dun kay Nero, pagkataas taas ng kilay hmp!
“Why not? They're challenging us kaya bakit hindi natin tatanggapin? This is one way to prove them that we're not the least section." sagot ni Gray.
May point nga naman. Tumango tango ako. Nagegets ko na.
“Tsaka we're Class Z, right? We won't lose." ani Kin. Matutuwa na ba ako? Kaso lang 'yung apat lang 'yung tiningnan nya nung binanggit niya 'yung 'We're Class Z'.
I guess sila lang 'yon, saling pusa lang ako dito.
“Yeah, since this is the first time na sasali tayo diba.. I mean after almost 2 years so why not make the best out of it?” ani naman ni Tim.
Infairness ha, serious mode si Timothy ngayon. Hindi siya mukhang batang nakalunok ng tawas. Tumango tango lang naman 'yung iba. 'Yung President na impakto at 'yung vice president naman nakapokus don sa stage. Nandon pa rin si Mrs. De Villa pero wala namang ginagawa don. Nakatayo lang siya sa gitna ng stage habang nakatingin sa amin.
“Sikat na sikat tayo ah." natatawang wika ni Wavin.
Inilibot ko ang paningin. Halos lahat sila nasa amin ang atensyon, mga judgmental talaga. Napairap ako.
“Tss.” pagsusungit ni Zero.
Hindi nya din siguro bet 'yung nakukuhang atensyon sa kanila. May mga nagpapacute pang mga babae sa kanila na tagaClass C, ngiting ngiti pa pagkatapos ay kikindat. Kadiri tuloy!
Kadiri kasi sa kanila pa nagkagusto. Eh, wala namang alam 'tong mga 'to kundi ang manakit, manlait, manloko──── charot. Hindi pa kasi nakakamove on, Lord. Pasensya na.
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
