Chapter 126

126 4 1
                                        

Jealousy

“This concludes our class for today. You can all go back to your classroom."

Tapos na ang klase.

Agad na hinanap ng mata ko sina Zero at Gray. Gusto ko silang tanungin tungkol sa nangyari. Ano na naman bang pinagawayan nila? Nakakainis.

Naiinis ako sa nangyayari. Gusto ko silang sermonan pero tama bang sermonan ko sila? Ano ba 'ko nila?

'I'm her friend', naalala ko bigla yung sinabi ni Zero kay kuya. Kaibigan na ngayon ang turing niya sa'kin pero si Gray? Hindi ko alam kung kaibigan pa rin ang turing sa'kin ni Gray. Nararamdaman ko pa rin namang nagc-care siya sa'kin pero hindi na katulad dati. Pakiramdam ko palagi siyang galit sa'kin. Feeling ko nga naiirita na siya sa existence ko, sa tuwing titingnan ko siya naiilang din ako.

“George, tara na."

Nagsisimula na silang magalisan. Napabuntong hininga ako bago tumayo. Hinanap ng mata ko si Gray at si Zero. Nakita ko si Gray na papalabas pa lang ng auditorium, si Zero hindi ko makita.

Aish, bahala na!

Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan ni Gray. Hindi niya kasabay si Archer at si Zero. Malamang George, nagsapakan ba naman.

“Hoy! Hintayin mo kami!"

Mamaya nalang! Mamaya ko na lang papansinin sina Timothy. For now, si Gray muna. I need to talk to him.

“Gray!" Malakas kong tawag. Ewan ko nalang kung hindi siya huminto.

Ayan hihinto n----. Tuloy tuloy sa paglalakad? Aba, teka. Kelan pa nabingi 'to si Gray.

Mas binilisan ko ang pagtakbo. Kelangan kong maabutan si Gray.

“Gray!" Pagtawag kong muli pero hindi man lang siya huminto.

Confirmed. Iniiwasan niya nga ako. Hindi ako papayag! Kakausapin ko pa din siya. Kahit anong iwas niya, kakausapin ko siya! Binilisan ko pang lalo at sa wakas naabutan ko na siya. Agad kong hinawakan ang likod ng t-shirt niya, akmang lalakad siya pero natigil siya. Nilingon niya ako.

Hinihingal na napayuko ako. Sa wakas, naabutan ko din siya!

“G-gray."

Tinitigan niya ako. Walang emosyong makikita sa mukha niya. Seryosong seryoso siya. Naiilang na tuloy ako sa tingin niya. Pero hindi e! Kelangan ko siyang tanungin. Diretsang tiningnan ko rin siya. Kung magpapatalo ako sa pagkailang baka forever na kaming ganito ni Gray at hindi na bumalik sa dati.

Alam ko rin namang may kasalanan ako sa kanya. Hindi ko naman masisisi kung ganon 'yung paniniwala niya about Class A. Hindi ko rin naman mababago yun.

“Gray, ano bang nangyayari sa inyong dalawa ni Zero? Bakit bigla nalang kayong nag-away? Tungkol pa din ba 'to sa pinagawayan niyo dati? O bago na. Pwede mong sabihin saki---."

“Ano bang pakialam mo?"

Napaawang ang bibig ko sa sagot niya.

“A-anong pakialam ko?" Hindi makapaniwalang pagulit ko.

Nauutal pa 'ko dahil hindi ko inexpect na sasabihin niya sa'kin yon. Naiinis na tiningnan niya ako. I thought he was going to say something pero sa halip ay tinalikuran niya ako.

“Teka!” hawak hawak ko pa ang damit niya kaya napigilan ko ang paglakad niya. “Teka lang! Kinakausap pa kita."

“If it's about Zero, just drop it."

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon