Chapter 88

168 8 5
                                        

Officers

“It's all because of..." Itinuro ni Timothy sina Zero, Gray at Archer. “With the help of Lolo M and Spade. Sila 'yung dahilan kaya napatalsik si Mr. Aguila.”

“Kelan? Bakit hindi ko alam? Paanong nangyari”

Nagkibit balikat lang silang dalawa bago bumalik sa pagkakaub-ub sa mga mesa nila. Tumayo naman ako at saka pabagsak na nilapag 'yung kamay ko sa parehong mesa nila. Magkalapit lang naman sila kaya sigurado akong sabog sabig eardrums nila. Napatingin tuloy sa'kin 'yung mangilan ngilang Egg Warriors na nasa room na.

“ANO BA 'YAN GEORGE! NATUTULOG 'YUNG TAO, ISTORBO!”bulyaw sa'kin ni Wavin. Ni hindi man lang siya umalis sa pagkakalugmok nya don sa mesa nya.

“Sabihin niyo kasi sa'kin." madiin pero mahina kong sabi. Nandito din si Kin, kanina pa ako sinasamaan ng tingin. Nagagalit na naman.

“HUH?!”

—_—

'Yun lang reply nya? Lumapit ako kay Wavin bago ginulo gulo 'yung buhok nya. “OH, GINAGAWA MO DYAN?! HUWAG KA DITONG MAGLARO. BATANG 'TO!”

Ginawa pa 'kong bata. Aba. Mas lalong ginulo 'yung buhok nya. Naiinis ako kaya sinabunutan ko na din ng very light.

“ARRAAAAYYY! FUCK------.”

“Sige, magmura ka! Papanotin kita!”

Dalawang kamay na 'yung nakahawak don sa buhok nya. Ni hindi nya naman pinipigilan 'yong kamay ko na sabunutan siya. Mura lang ng mura. “Sabihin nyo na kasi."

“TIM, HELP!”

Napatingin ako kay Timothy. Kitang kita ko 'yung mukha nya since nakaside view siya habang nakapatong 'yung mukha sa mesa. Nakapikit pa siya at tulo laway pa.

Pambihira. Galeng, nakatulog na agad. -.-

“Ikaw nalang kasi magsabi, ano nga?”

“GEORGE NAMAN! NANGYARI NA 'YON IH. HAYAAN MO NA!”

Hayaan? Bakit ko naman hahayaan? Gustong gusto kong malaman kung anong nangyari. Kung bakit biglang napatalsik si Mr. Aguila sa school na 'to. Kung paano nila nagawa 'yon.

“Hindi pwede! Gusto kong malaman---.”

“Tapos na, why do you have to know it?” Narinig ko na naman ang boses nya. Binitawan ko 'yung pagkakahawak sa buhok ni Wavin bago siya hinarap.

“OH, 'YUNG KA M.U. MO ANG KAUSAPIN MO!” tila naiinis na wika ni Wavin. “TUTULOG AKO DITO.”

Hindi pa ako tapos magtanong.

Yinugyog ko siya sa balikat pero hindi naman natinag man lang. Mukhang tulog na tulog! Bilis.

“You really are stubborn.”

Humugot ako ng malalim na hininga bago siya harapin. Nandon si Gray, si Archer at si Zero. Nakaupo sila sa may unahan.

“Gusto ko lang naman malaman." sagot ko.

“What for? Kapag ba nalaman mo may magagawa ka pa?”

Natigilan ako. Maang na nakatingin ako sa kanila.

“Diba wala? So, why bother knowing it?"

“Eh sa gusto kong malaman, anong magagawa mo? Tsaka bakit parang ako lang 'yung walang alam?"

Naiinis lang ako don sa thought na pakiramdam ko wala akong nagawa. Alam ko sa sarili ko na may maitutulong din ako.

“Kailangan ba talaga alam mo lahat?" pagsingit ni Kin. “Ano,  kayang solusyunan lahat? Pakiramdam mo ang galing galing mo ganon?”

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon