Rankings (Part 2)
Every quarter nagraranking. May dalawang ranking na pinopost sa Main Building── Individual Ranking at saka Section Ranking. At ngayon lang din pwedeng pumunta ang Class Z sa loob para tingnan ang result.
“Ano kayang rank ng section natin?”
“Huwag na kayong mag-assume. Sure naman na last na naman tayo."
Nilingon ko sina Tim at Peter na nag-uusap. Nakatayo sila malapit sa bed ni Donald. Si Donald na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising. Kung ba't naman kasi sinalo salo nya pa 'yung para sa akin, ayan tuloy knockout sya.
“Hoy, George. Anong ginagawa mo?!”
Hindi ko pinansin si Timothy at saka patuloy na inalis ang benda na nakabalot sa isang tuhod ko. Benda benda pa kasi, mukha akong napilay. “Ayyy, ano ba?"
Nakakaasar. Pinigilan ako ni Timothy pagaalis ng benda. Sinamaan ko siya ng tingin ng ibalik nya ulo 'yung pagkakalagay nun sa tuhod ko. “Kita mong may sugat! Kulit mo."
“Kung makulit ako, OA ka naman!Tabi na, tatanggalin ko na." Pilit na inaagaw ko 'yung benda pero parang batang ayaw ibigay 'yon ni Tim sa akin. Kagigil talaga 'tong abnoy na 'to. -,-
“Tumigil ka nga! May sugat nga e!"
“Sugat mo mukha mo. Liit liit nyan e, oo mahapdi pero talaga benda? Hindi pwedeng bandaid na lang?"
Kung hindi ba naman kasi OA si Tim. Siya pa talaga 'yung naginsist sa nurse kanina na benda 'yung ilalagay. Bandaid na 'yung binibigay nung nurse e, bida bida talaga. Sakop na sakop pa 'yung buong tuhod ko.
“Ihhhh, mas maganda na 'yung sigurado."
Sigurado amp. Napasapo ako sa noo ko dahil sa kakulitan niya.
“I feel you." Wika ni Peter na kanina pa nakapanood sa amin. Napailing nalang ako. Pinabayaan ko nalang din na ibalik nya 'yung benda sa tuhod ko. Gusto nya 'yun e, edi fine.
“Okay na, huwag mong tatanggalin 'yan ha." inosenteng wika ni Timothy bago ngumiti sa akin. Umupo siya sa may gilid ng inuupuan kong kama.
“Btw, ano nga kayang rank natin?"
Narinig ko sa usapan nila na baka nasa last na naman 'yung section namin.
“Last… I think." Sagot ni Peter.
“Siguradong last na 'yan! Lagi naman kulelat section natin eh."
Laging kulelat ang Class Z? Kahit na matatalino ang mga nandito? Well, sabagay. Class Z sila e, the least favorite. Sigurado akong may kung anong ginawa 'yung mga 'yon para dayain ang ranking. Napabuntong hininga ako.
Kahit na ayokong mag-isip ng masama about sa mga tao dito, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Noblesse High 'to e, isa sa pinakabias na school na napasukan ko.
“Malalaman lang natin 'yung pagdating nila…"
Gising na sya! Lumapit sa may kama nya sina Peter at Tim habang nagstay lang ako sa kinauupuan ko habang tinitingnan si Donald. “Ayos ka na ba, Donald?" Tanong ko na agad nyang tinanguhan.
“Ikaw, ayos ka lang? Sorry for passing out."
“Ano ka ba! Ayos lang 'yun. Tsaka dumating naman sina Eros."
I give him a reassuring smile. Kinausap na din siya nina Tim at Peter, tinatanong kung ano ang nangyari. Nakatingin lang ako sa kanila habang tinatanong nila si Donald about sa nangyari. Sumasagot naman si Donald pero may napapansin akong kakaiba sa kanya.
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Fiksi RemajaAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
