Belong
Rank 100 ako.
“WAAAAAAH! FINALLYYYYY!"
Sobrang lakas ng hiyawan nila. Nandito na kami sa classroom pero 'yung saya nila ganon pa rin kanina nung nakita nila 'yung grades nila.
Nakaupo lang ako upuan ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Sobrang disappointed ako sa sarili ko.
Talaga George? Rank 100? Ganito lang ba ang kaya mong gawin? Eto na ba 'yung best na sinasabi mo? Sa loob ng ilang buwan eto lang kinaya ng effort mo? Bakit ang baba? Bakit hindi ka nakapasok? Best mo na 'to?
Best ko na 'to. Hindi lang kasi talaga ako magaling kaya ganito ang resulta. Hindi talaga ako magaling.
I felt chills over my body. Pinagmasdan ko silang lahat na magsaya kasi lahat sila nakapasa tapos ako, ako lang 'yung bukod tanging hindi nakapasa.
“GEORGE! GEORGE MAKAKAALIS NA SA WAKAS!"
Lumapit pa sa'kin sina Timothy. Sobrang saya ng ekspresyon ng mga mukha nila. Tumango tango ako sa kanila. I fake a smile.
“Oo nga e, ang galing niyo." Sagot ko.
They both smiled bago nagtatalon at saka nagpaikot ikot sa loob ng classroom. Sobrang ingay nila. Pinagmasdan ko ang paligid. Maging sina Archer, 'yung trio nagkukwentuhan. Yung grupo ni Corine, ni August. Ang saya saya nila. May narinig pa 'ko na 'Sa wakas magiging proud na si Mommy'.
Dahil don mas lalong nangilid ang luha ko.
Sanaol kasi. Sanaol masaya. Sanaol nakapasa. Sana nagagawa ko ring magsaya katulad nila. Kaso hindi e, eto lang kinaya. Rank 100, kulay pula pa.
Putanginams, saan ba ko nagkulang? Kinulang ba 'ko sa effort, sa tyaga, sa pag-aaral? Saan? Hindi ko alam, hindi ko alam kung saan dahil alam kong eto na 'yung best ko. Dahil alam ko na ginawa ko 'yung best ko.
Ginawa ko 'yung best ko pero hindi pa din sapat.
Napaub-ob ako sa desk ko. Gusto kong umiyak. Sobrang naiiyak ako sa kinahinatnan ng grades ko. Nahihiya ako kay kuya kahit pa sabihing pasado pa rin. 88? Kung tutuusin mataas na 'yon. Sobrang taas na. Nung elementary nga ako e, makakuha lang ako ng 85 sobrang saya ko na. Pati sina mama, binibilhan pa nila ako ng reward kapag nakaka85 ako. Kahit mahirap lang kami pinagiipunan niya kasi sabi niya 'pagod' ko 'yun. Pinaghirapan ko 'yun, ako 'yun. Magaling ako dahil hindi ako bumagsak. Sobrang saya ko na sa 85 noon pero 'yung 88 ngayon hindi ko matanggap.
Ginawa ko naman 'yung best ko e. At ang mas nakakahiya…. ako lang 'yung hindi nakapasa. Saming lahat ako 'yung hindi nakapasa. Pero hindi naman 'yun ang ikinaiiyak ko e. Ang kinaiiyak ko 'yung thought na maiiwan akong mag-isa. Natural ngayon nakapasa sila, sigurado ako na lilipat sila agad. Tapos maiiwan akong mag-isa.
Pero okay lang, hindi naman nila kasalanan na yung best nila mas mataas sa best ko. Hindi nila kasalanan. Naiinggit ako sa achievment nila at hindi nila kasalanan 'yon. Sariling hirap, sariling sikap. May susunod pa naman. Baka sa next quarter makalipat na 'ko, diba?
Susunod din ako sa kanila, hindi ko lang alam kung kelan pero susunod din ako sa kanila.
“GUYS! LAHAT BA TAYO NAKAPASA?!"
Napakagat labi ako sa tanong ni August. Natahimik ang lahat pero maya maya din ay naghiyawan sila.
“OO! ANG GALING GALING NATIN! WOOWWW! THIS CALLS FOR A CELEBRATION!SOLID TALAGA, LAHAT MAGAGALING, WALANG KULELAT!"
Lahat magagaling, walang kulelat.
Agad na naluha ako dahil don. Hindi ako umalis sa pagkakaub-ob ko para hindi nila mahahalatang naiyak na ako. Tinamaan ako don sa 'kulelat', kasi parang ngayon pinapatunayan talaga na ako 'yung kulelat saming lahat.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...