I like you
Ilang oras na ang lumipas pero iniisip ko pa din 'yung sinabi ni Gray. Nagbabanta siya, halatang nagbabanta siya. Parang ang laki laki ng pinagaawayan nilang dalawa. Gusto kong alamin.
Hayyy.
Napahalumbaba ako bago napabuntong hininga.
Bakit ba kasi pinoproblema mo, George?
Pakiramdam ko kasi dapat kong problemahin. Ewan ko! Tumitindi na naman 'yung pagiging pakialemera ko.
“Uy!"
“Ay kabayo ka!"
Muntik pa akong mapatayo sa gulat. Inis na sinuntok ko sa balikat si Timothy. As usual magkasama na naman silang dalawa ni Wavin.
“PARA KANG PINAGSAKLUBAN NG LANGIT AT LUPA!"
Napailing ako. Umupo sila sa magkabilang gilid ko.
“May problema ka? Sher mo naman! Para kang others." Giit ni Tim na nakaharap sa'kin.
“Wala akong problema."
Wala naman talaga akong problema dahil hindi ko na poproblemahin 'yung hindi naman dapat.
“We? Ganyang mukha walang problema?"
Ganitong mukha? “Bakit? Ano bang mukha ang sinasabi mo?"
Magkamali lang talaga ng sagot 'tong dalawang 'to lagot sila sa'kin. Nagkatinginan pa talaga sila.
“MUKHA KANG BALIW!"
Tss. Sinuntok ko sa balikat si Wavin dahilan para samaan niya ako ng tingin.
“Hindi ako baliw."
“Eh, ba't ganiyan itsura mo?”
Inirapan ko siya. “Itsurang maganda 'to!”
Kaasar, sabay pa talaga silang ngumiwi. Tss.
“Huwag na nga nating isali si George sa usapan." Nangaasar na wika ni Timothy.
“OO NGA, PAMATAY ANG JOKE E!"
Ako naman ang napangiwi. Hindi kaya ako nagbibiro. Totoo namang maganda ako, palagi kaya 'yun sinasabi ni Mama sa'kin dati. Sila lang talaga 'tong hindi maappreciate 'yung ganda ko.
“Huwag na natin 'yang isali!"
Ulit ulit? Sinamaan ko silang dalawa ng tingin. Para talaga silang mga bata.
“OO NGA! TAYONG DALAWA NALANG!"
Silang dalawa nalang? Bromance? Naglapit pa talaga silang dalawa napunta tuloy ako sa may likod nila. 'Yung kilay ko tumataas na naman. Talagang todo tawa pa sila sa harap ko.
“AHAHAHAHAHA!”
—_—
Inis na sumingit ako sa gitna nilang dalawa, tinulak ko sila ng malakas para naman mapansin nila ako.
“Hala! Ba't parang may nagtulak sa'kin?" Ani Tim na nakahiga sa buhanginan.
“OO NGA! FEELING KO MASKULADO 'YUNG TUMULAK SA'KIN!"
Maskuladooo?!
Gigil na nagbalak akong abutin 'yung buhok nila para sabunutan pero agad naman na umiwas silang dalawa.
“Baka naman lalaki no? Maskulado nga ang katawan tapos may bigote tapos maitim AHAHAHAHAUAU!"
Kingina.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...