Class of Morpheus
Ansakit ng mata ko huhu!
Sabi ko na eh! Mamamaga siya, jusko namaga nga. Halata pang napuyat ako dahil sa pagkalusog lusog kong eyebags. Kasalanan talaga 'to ni Zero, ni Corine and friends, ni August! Kung hindi matigas ang ulo ni August hindi mapupunta usapan kay Mama. Mukha akong panda.. Pandang maganda!
Today is Monday, isa sa pinakakinaiinisan kong araw. Unang araw ng linggo, unang araw ng pasukan. May pasok kami ngayon kay Lolo este Professor Morpheus. Sabi kasi ni Lolo ay 'yun daw itawag namin sa kaniya kapag nagtuturo siya.
Chineck ko uli ng isang beses ang sarili sa salamin, nakasuot ako ngayon ng uniform na bigay nina Spade. Lahat ng students ay binigyan, shala nga eh. Naipagawa agad ni Lolo 'yung mga uniform na 'to ng ilang araw lang. Above the knee 'yung uniform, kulay black din 'to. Fave ata nila. Okay, good. Bababa na ako.
Medyo kinakabahan ako sa mangyayari. Baka sobrang strict ni Lolo magturo. Nakakatakot. Tapos bigla akong tawagin, hindi pa naman ako confident sa pagsagot!
“Oy, sabay sabay pa tayo ah!Good morning George!.” masiglang bati ni Tim. Nginitian ko naman siya at saka Binati pabalik.
Pagkakataon nga naman oh, sabay sabay pa kaming lumabas ng mga Egg Warriors na 'to. Pati 'yung tatlo sa kabila. Lahat sika ay suot 'yung uniform, ang cute---charot! Hindi sila cute, nakakatakot sila! Tch. Ba't kasi pinanganak silang maganda ang lahi? Unfair.
Napatingin ako kay Zero na nakakunot ang noo. Sinamaan ko siya ng tingin at ganon din siya sa'kin. Hindi ko pa nalilimutan ang sinabi niya kahapon, kapal ng mukha!
“ANO MAGTITITIGAN NA LANG BA TAYO DITO?!.”
Minsan gusto ko nang lagyan ng malaking sulat na Peace Officer sa noo si Wavin baka kasi makalimutan ng kausap niya. Siya kasi parang nalilimutan niyang officer siya, parang laging nanghahamon ng away eh.
“Let's go.” aya ni Gray.
Tumikhim ako bago tumakbo pababa. Ayoko sila kasabay no! Masira pa umaga ko. Narinig ko namang tinatawag ako ni Tim.
“Hintayin mo ko! Agang aga mo tumakbo, mamaya pagpawisan ka magamoy putok ka!.” pangaasar ni Tim na nasa likod ko. Narinig ko naman ang tawanan ng mga animal.
“Lol! Fresh na fresh ako noh!.” sigaw ko at saka nagmadaling bumaba ng hagdan. HAH! Sinong amoy putok sa aming dalawa baka siya! Araw araw akong naliligo no. Sampalin ko utak non ni Tim.
Sa may basement pala kami pupunta. May paunderground kasi si Lolo. Nandon ata 'yung mini classroom niya. Ano kayang itsura? Excited na akong makita!
--------------------------------------**
“Ang aking pangalan ay Morpheus, tawagin niyo nalang akong Professor Morpheus. Ikinagagalak ko kayong maging estudyante, pagbutihin natin lahat.” palakad lakad pa si Lolo habang sinasabi 'yun sa unahan.
Presentableng presentable si Lolo, nakasalamin pa siya habang hawak ang tungkod sa kaliwang kamay. Nakasuot din siyang pangprofessor, mas lalo tuloy nagmukhang strict si Lolo. Idagdag pa 'tong ambiance sa loob ng Classroom, vintage kasi 'yung mga upuan. Medyo layo layo din 'to para maiwasang magkopyahan. May isang malaking white blackboard sa harapan. Meron ding minilocker sa loob. Sanaol talaga!
“Ic-check ko muna kung nandito na ang lahat. Kapag sinabi ang pangalan pakisabi ang pangalan ng inyong crush.”
Napaawang ang bibig ko. Nagsimula ding magkaingay sa loob ng Classroom. Gago, pangalan daw ng crush! Problema e' wala akong crush!

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...