Heartbreak
"Mrs. Eros! Mrs. Eros!"
-_- Mananapak na 'ko talaga.
"Mrs. Eros!"
Hindi ko na kaya! Kelangan ko nang makaalis sa impyernong 'to.
Tumayo ako at saka blangko ang ekspresyon silang tiningnaj. Nakangisi pa talaga. Makangisi pa kaya sila kapag binungalan ko sila isa isa?
"Oh, ba't parang galit ka?" tanong ni Warren na tumawa pa. Siya 'yung may hawak nung fan kanina.
"Tigilan niyo ko pwede? Atsaka ito!" gigil na inalis ko 'yung sash na sapilitang inilagay sa'kin kanina. May nakalagay dun na Mrs. Eros. "Nakakadiri, inyo na 'yan!"
Binigay ko yun kay Zedrick at saka naglakad paalis. Naririnig ko pa ang kantyawan nila. Tss. Kala ko nakakatuwa.
Buset kasing Marriage Booth 'yan! At isa pang buset is Zero, kunwaring nakapokerfaced gustong gusto namang ikasal sa'kin. Kapal ng mukha.
Sina Tim naman wala ring nagawa kaya siguro hindi nila ako maharap ngayon. Humihingi ako ng tulong kanjna hindi naman ako tinulungan, hayys. Pero naiintindihan ko naman sila, hari nila 'yun e kaya siguro hindi nila matutulan.
Napaupo ako sa upuang nakita ko, malapit 'to sa dating kinatatayuan ng stall namin. Sakit ng paa ko. Doll shoes lang suot ko pero namamanhid na ang paa ko. Kanina pa kasi ako nakikipagyera.
"Eto na ang pinakanakakapagod na araw ko dito sa Noblesse High."
Inalis ko ang shoes na suot ko at saka itinaas ang paa, paindian sest. May dala dala naman akobg ag at panyo so hindi ako makikitaan.
Napaunat ako, pantanggal ng sakit ng katawan. Si Nero kasi may kasalanan neto tsaka 'yung mga lalaki na mahilig mamosas. Akala mo kung inaano.
Hayy. “Mamaya na pala 'yung singing competition.”
Gabi gaganapin. Bale una 'yung boys then kaming girls. 7 pm ang start, ang balak ko nga sana ay uuwi ako kaso sina Wavkn at Tim na raw 'yung kukuha. Pampalubag loob siguro. *.*
“Nagiisa ka yata?”
Sinong?
Nalingunan ko si Tristan na nasa likuran ng bangko. Tipid na nakangiti siya.
“Nagiisa din ako." Sinabayan pa ng kindat.
Napafacepalm ako. “Layas.”
Nakakapagod na nga, nagawa pang magjoke. Hindi naman kami close, tss.
“Pfft. Sorry." Natatawang wika niya. Hindi ko na siya nilingoj. “May I sit?"
“Hindi pwede---.”
Galing. Sasagot palang ako nakaupo na. Talagang dikit na dikit pa sa'kin. Itulak ko nga. Hindi ata ineexpect na itutulak ko siya, napahiga tuloy siya sa upuan. Since mahaba 'to. Ang weak, psh.
“Ouch, sinasaktan mo 'ko.” kunwaring naiiyak pa habang nakahawak sa dibdib na wika niya.
“Masasaktan ka talaga kung hindi ka umayos!” inambahan ko siya ng suntok akala ko iiwas siya pero imbes na umiwas ay ngumiti siya.
Adik lang?
“Ayos lang masaktan basta para sa'yo.” seryosong wika niya.
“Ba't mo ba 'to ginagawa?" Seryosong tanong ko din.
“Alin?”
“Yang kacornyhan mo." Sagot ko at saka lumayo sa kanya. Sa pinakangdulo ako pumwesto. “Lumayo ka nga din sa'kin!”
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Novela JuvenilAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...