Chapter 132

74 2 5
                                    

Back to Zero

Dali-daling umalis ako sa harap nila. Baka kasi kapag nagstay pa 'ko, mas lalo lang akong maging kaawa-awa. Dumiretso ako sa kwarto ko. Inilock ko na rin 'yung pinto. Kasi gusto kong maglabas ng sama ng loob.

Hindi totoong itinuring akong kaibigan ni Zero. Hindi totoo lahat ng ipinakita niya.

Ang sakit din pala. Friends can really break our heart, too. Ang kaibahan lang hindi ako naging kaibigan ni Zero. Pero at least diba? Kaibigan pa rin ang turing ko sa kaniya.

Grabe. Kaya nyang gawin ang lahat ng 'to. Kaya niyang manakit ng damdamin ng tao para lang masunod 'yung gusto niya. Para lang mapaalis niya 'ko. Walang warning, wala man kahit anong pahiwatig basta nya nalang ginawa 'yon.

Ansaya na e. Ansaya na nung buhay ko nung sinabi nya na friends na kaming dalawa. Kasi alam ko na kapag natanggap niya 'ko matatanggap din ako ng lahat. Magiging belong na 'ko sa wakas. Magkakaroon na 'ko ng puwang sa loob ng Class Z. Pero hindi pa rin pala. 'Yung pag-asa na nabuo dahil sa pinakita niya recently nawala din.

Hindi niya 'ko kelan man tinuring na kaibigan. Isa lang 'tong kaplastikan. Lahat ng 'to pinlano niya lang. Walang totoo. Wala. Ang sakit sa loob. Gusto ko talagang manumbat.

Nakakalimutan ata nila lagi na may pakiramdam din ako. Akala ata nila lahat ng sinasabi nila, lahat ng ginagawa nila dumadaan lang. Pero hindi e, shuta kung ganon lang talaga pero hindi. Nags-stay siya. 'Yung sakit nandito pa din. Hinding hindi ko nakakalimutan 'yun. Dinadamdam ko 'yon. Tapos eto na naman.

Napabuntong hininga ako.

Kasalanan ko kaya hindi ko siya masisisi.

“Balik na naman ba sa dati?"

Hindi ko alam.

Kung bumalik sa dati edi sige. Magtitiis nalang ulit ako. Hangga't kaya ko pang magtiis. Tutal malapit na rin naman, nakaisang quarter na.

So, paano ko haharapin si Zero ngayon? Nakakapanghinayang din. Sayang yung mga pinagsamahan namin. Ang bait bait na ng tingin ko sa kaniya tapos paplastikin niya naman ako. Plastik na nga ako pinlastik niya pa ako. Grabe na. Eto 'yung hindi ko inexpect.

Ayan kasi expect the unexpected George. Katulad nalang ng reflection sa salamin, ang ganda ng reflection. Ang saya, nakangiti pero 'yung nasa loob hindi naman natin nakikita diba?

Nakakalungkot.

Dumaan ang ilang oras. Nandito kami sa may labas nina Lolo M. Napagdesisyonan kasi nilang dito nalang daw kami tumambay tutal tapos na ang klase at masarap daw ang hangin, ayon kay Timothy. Gusto ko tuloy silang tanungin kung anong lasa pero Huwag nalang.

Nabusy ako sa pagiisip kung paano ko haharapin si Zero at si Gray.

“It's been a while since noong huling nagtipon tipon tayo ng ganito." Spade said while holding a pen and a paper on his hand. Lahat kami nakabilog.

“Kaya nga." Corine agreed.

“Thankful talaga kami kay Lolo M!" Tumayo si Warren at saka inakbayan si Lolo M na busy sa panonood ng kung ano sa cp niya. Nakasalamin pa siya habang kunot na kunot ang noo.

“Walang anuman 'yon." Sagot ni Lolo M.

“Thank you po." Sabay sabay na wika ng lahat. Lahat kami thankful kay Lolo M. May iba pa na lumapit at saka yinakap si Lolo. May lumapit din kay Spade at dinambahan 'to.

“Shit! You're too heavy."

Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. They all look close. Mukhang wala na silang iniintindi. Mukhang panatag na 'yung loob nila.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon