Happy birthday
Ang sakit ng ulo ko!
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Ang kulit ni kuya, tsk. Kung makapanermon akala mo'y mangangain ng tao. Palibhasa tatandang binata. -.-
*PHONE VIBRATING*
Napairap ako sa ere at saka kinuha 'yung phone.
Sino naman kaya 'to?
Aissh, 'yung impakto pala.
From : Impakto
Make sure you'll dress up later.
Isa pa 'to! Buset na 'yan. Sinermonan na nga ako ni kuya dadagdag pa siya. Pinagpipilitang umattend ako don sa birthday celebration ni Corine. Kapag hindi ako umattend hindi raw siya aattend. Kingina, ginawa pa 'kong rason. Tss, bahala siya! Hindi ako pupunta.
Masasabihan lang akong fc. Isa pa hindi naman ako invited. Sila lang binigyan ng invitation card, ako hindi. Kaya bakit naman ako pupunta?
No way! Manigas siya.
*PHONE RINGING*
Napabuntong hininga ako at saka sinagot 'yung tawag. Kahit hindi ko na icheck alam ko namang siya 'yon.
"Hello?"
Ayy, susme. Inaantok pa 'ko.
"May damit ka ba?" Aniya sa baritonong boses. Napanganga ako sa tanong niya.
"BASTOS KAAA!" Nanggigigil kong bwelta. Kingina, akala ko naman impakto lang siya manyak din pala. Bastos!
"That's not what I meant."mahinahon subalit may diing wika niya. "Stop imagining things."
Huh? Pinagsasasabi neto?
"Kung ano ano kasing sinasabi mo!?"
"Tsk. Fucking retarded." Mahinang wika niya pero narinig ko din naman.
"Kung nandito ka lang baka nakalbo na kita." Mahina ko ring wika.
"Oh? But I'm not there."
Psh. Narinig pala. "Oh, kaya nga. But good thing na din 'yun hindi ako mabubuset sa mukha mo. Impakto!"
Sa araw araw na ginawa ng diyos, palaging nandito si Zero para mambwisit. Galeng talaga. Wala na, sira na naman araw ko.
"Tss."
Ikaw pa galit!
"Ano ba kasing sadya mo? Patawag tawag ka pa."
Ang sakit pa naman ng ulo ko.
"Nothing. Don't forget later 7 pm."
7 pm? Anong meron? Ah, 'yung kay Corine na party.
"Hindi ako pupunta." Kaswal kong sagot.
Nakarinig ako ng pagkalabog sa kabilang linya. Anong nangyayari don?
"Why not?"
Tsk. Tatanong pa. Obvious naman 'yung sagot.
"Hindi ako invited."
"And?"
And? Lol. Wala talagang kahiya hiya sa katawan 'tong si Zero. Palibhasa feeling hari.
"Adik ka ba? Bakit ako aattend ng hindi ako invited? Para lang akong tanga don."
Makikisiksik ako e hindi nga para sa'kin. Mas mainam pang matulog, mawawala pa ang mga eyebags ko.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Fiksi RemajaAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...