Let's cook!
Good? Good daw? At teka talagang ngumisi pa siya? Bakir parang natutuwa siya na ginawa ko 'yun?
Ginagantihan nya ba ako kasi ayaw kong umalis sa Class Z o inaasae lang talaga niya ako?
Tinititigan ko siya ngayon. Wala namang bago, impakti pa rin siya. Seryosong seryoso siya sa pagdadrive, nakakunot pa ang noo niya. Nukayayon? Mukhang inaaway niya 'yung kalsada.
Pero infairness ang tangos talaga ng ilong niya. Ang dark ng aura, tapos 'yung mata nya…
“Why are you staring at me?”
Pusang gala! Bigla nalang nagtama ang paningin naming dalawa. Nakatingin na siya sa'kin ngayon kaya umiwas agad ako ng tingin.
“H-hindi kita tinitingnan, lol!"
Sana makalusot.
“Alright, sabi mo eh." Aniya sa baritonong boses bago humarap na uli sa kalsada.
Napailing ako at saka sumandal sa bintana ng sasakyan. Hayy, nakakakaba pa rin talaga kapag siya ang kaharap. Si Zero 'yan eh, 'yung leader ng Class Z,'yung impaktong leader nila na akala mo perfect. Hindi 'to nagkakamalo e, ayon nga kay Archer, siya ang unang sinasabihan nila kapag may gagawin silang plano. Kaya nakakabuset siya.
Mula nang dumating ako sa Class Z puro salita njya nalang ang nasusunod. To the point na naeechapwera na 'yung iba. Ang sakit niya pang magsalita, mapanlait pa. Hinding hindi ko malilimutan 'yung mga sinabi niya sa'kin, 'yung mga panlalait at pagmumura niya.
Hindi ko maintindihan ngayon kuny bakit biglang ganito siya. Hindi siya bumait sa'kin pero feeling ko may iba. Feeling ko natatanggap niya na 'ko kahit papaano. Gusto niya sigurong maging magkaibigan naman kami.
Napangiti ako sa naisip. Baka naman gusto niya talagang maging magkaibigan kami. Kapag nangyari 'yun sure ako na magiging madali na ang buhay ko sa Class Z.
“We're here."
Ay, andito na pala. Almost 30 minutes din ang byahe. Actually kanina ay ganon din kaya nakakapagtaka kung paanong nakapunta si Zero dito ng 15 minutes lang. Lumipad ba siya?
Well, wala na 'kong pake don. Ang importante nakarating na kami ngayon.
Agad na bumaba ako ng sasakyan. Sina Corine nasa loob pa, nagpipicture picture pa don. Akala mo e ngayon lang nakakita ng car, mayaman kaya sila. -,-
Dumiretso ako dun sa likod para kunin 'yung dalahan ko. Yung dalawang bags ng plastic na mabibigat. Baka magkamuscles ako neto pero keri na siguro.
“Noburi.”
Patawag tawag!
Napataas ang kilay ko kay Zero na nakapanood sa'kin. Medyo nakakailang pa kaya tinarayan ko nalang.
“Oh?”
Nakatingin lang ako sa kaniya na nagawa pang mamulsa at pumose ng parang model sa harap ko. Akala mo naman ikinagwapo niya 'yon.
“Ano? Kelangan ko ng dalhin 'to sa loob."
Imbyerna talaga 'yung mga taong patawag tawag tapos wala namang sasabihin.
“George!“
“HOY PANGET!”
Ayan na sila.
Takbong takbo sina Tim, Wavin papunta sa amin habang may dala-dalang barbecue na mukhang kakaihaw lang. Nagutom tuloy ako bigla.
Kasama din sila si Gray at Archer na mahinhing naglalakas sa hulihan.
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
JugendliteraturAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
