Chapter 69

73 4 1
                                    

Taking sides

"Lah? Anong drama 'yan?" Pagagaw ko sa pansin nilang dalawa pero ni hindi man lang ako nilingon ng mga Egg Warriors na 'to.

You and me against the world na nga ang peg nila e! Walang katinag tinag para na silang magsusuntukan dahil ang sama ng tingin nila sa isa't isa.

"Kung magsusuntukan na kayo, magsuntukan na kayo! Daliiii na, goo!" Medyo lumapit ako sa kanilang dalawa. Nabulong sila hindi ako sinasama, psh. Outcast na naman ako.

"Anoo? Hindi nyo alam kung paano? Ganito oh." Nagsusuntok ako sa ere para bigyan sila ng halimbawa. Ang tagal tagal namang magsapakan, tsk.

Hindi pa din ako nililingon. Titig na titig sila sa isa't isa. Teka.. Hindi kaya? Shit, bromance na naman ba dis? Nanlaki 'yung mata ko nang mas lumapit pa sila sa isa't isa. Konti nalang agwat ng mga mukha nila men!

"Teka teka!" sumabat na ako. Ayoko namang makakita ng live show dito. "Patalikudin nyo muna ako mamaya na kayo maghalikan diyan!"

"Fuck."

"Fuck."
Tatalikod na sana ako pero bigla naman silang nagmurang dalawa. Sabay pa talaga at pareho pa ng mura! Talaga nga naman. Tinitingnan nila ako na parang ako na ang pinakatangang tao na nakita nila.

"Tanga talaga." Ani Zero sa baritonong boses.

"Okay, sorry! Chill. Makatanga naman." Napairap ako. Pinagdikit ko pa 'yung palad ko. Hiyang hiya naman kasi sa kanila. Aissh, bahala nga sila!

Maglilinis nalang ako.

"Why are you staying? You should go."

"YOU should go. She's my servant." may diing wika ni Zero.

Nanlalaki na naman yung tenga ko kakasagap ng chismis. Problema kaya nila?

Magkaharapan pa rin sila ngayon. 'Yung aura sa room na 'to pamatay dahil sa kanilang dalawa. Nagbanggaan ba naman dalawang itlogz, 'yung isa may lahi pang impakto. Ewan ko nalang talaga.

"She's not your servant, Pres."

"She's my servant, right Noburi?"

Napatigil ako sa pagliligpit ng kinainan. Nilingon ko sila na parehong nakatingin sa akin. Napataas ang kilay ko.

"Wala naman akong sinabing payag ako na maging servant mo."

Sumama ang mukha ni Zero nang sabihin ko 'yun. Halatang hindi siya natuwa. "Do you want me to make you remember what you said?" Anya na may paglapit pa sa'kin.

Jusko, Teka!

"Stop!"

Nakakatakot na nga siya sa malayo, paano pa kaya kapag lumapit na?

"Oo na nga! Bwisit ka!"

Psh. Lintik kasing kalmot 'yan, ginawang bigdeal. -,-

Nakita ko ang pagngisi ni Zero nang sabihin ko 'yun. "See? I told you, Gray."

"Bakit ka naman pumayag?" Iritang tanong sakin ni Gray. Napasimangot ako.

Akala nya ba gusto kong pumayag? Hahampasin kaya ako ng bangko sinong makakatanggi don? Tinakot pa ako ng mga itlogz.

"Wala akong choice." Sagot ko nalang, ready nang dalhin ang huling plato dun sa may lababo.

"And now look at you."

Napatigil ako. Nanenermon ba siya? "Hindi ka makatanggi sa inuutos sa'yo." Frustrated nyang wika.

Napataas ang kilay ko. Hinarap ko silang dalawa na ngayon ay hindi na magkaharapan. Nakangisi si Zero samantalang seryoso si Gray. "Hindi ko naman ginusto 'to."

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon