Truth
Ang daming nangyari ngayong araw. Hindi ko na maabsorb 'yung iba, sasabog na nga ata ako. I feel sad, disappointed and stress. I still can't believe na magagawa nila sa'kin 'yun. Kahit na nakalaban ako, nakatungtong sa stage. Hindi ko parin maiwasang hindi mainis sa kanila.
Nanliliit ako. Parang inalisan ako ng karapatan. Gusto ko silang ihigh five sa mukha isa isa. Gusto kong sabihin sa kanila kung gaano ako naiinis. Hindi man lang nila inisip ang mararamdaman ko. Pero alam ko na kasalanan ko din, kasi andali kong maniwala. Itinuring ko kasi silang kaibigan e, nakalimutan ko na hindi nga pala lahat ng kaibigan ay mapagkakatiwalaan.
“Tapos gusto pa talaga akong iinvite sa celebration nila, hmp. ”
Bakit naman nila ako iniinvite? Para magmukha akong tanga don? Aawayin na naman ako nina Corine. Magugulo lang ang buhay ko don, madadagdagan lang din ang sama ng loob ko sa kanila.
Sobra sobra na nga ang sama ng loob ko sa kanila e, feeling ko sasabog na 'ko. Pero hindi ako makaiyak. Walang luhang lumalabas sa mata ko kahit na gustuhin ko man. E pano ba naman umiyak ka halos magdamag!
Sheeeeee! Alam ko nga, umiyak na nga ako magdamag. Buset na 'yan, pati sarili ko kaaway ko. -.-
Umiyak na nga ako magdamag kaya siguradong mugtong mugto ang mata ko. Kung makikita lang ako ng Class Z, sigurado ako na pagtatawanan nila 'ko, sasabihang OA, madrama. Ganon naman sila eh, mga walang puso. Nasaktan lang naman ako kaya ako umiyak. Hindi kasi sila ako, kaya hindi nila alam ang nararamdaman ko.
“George.”
Sheez. Umaga na nga pala, gising na din si kuya! Jusko, agang interview ang mangyayari neto. Magtatanong na naman sya. Lord, help me!
“Breakfast is ready, bumaba ka na. Kakain na tayo.”
Ayan na sya!
Haihai! Babangon na nga kahit ang totoo ay gusto kong magtago bigla. Sure naman ako na magtatanong na naman si kuya tungkol sa nangyari kahapon. Ang swerte ko nga at naiwasan ko sya kahapon, nagdahilan pa ako na masama ang pakiramdam ko, which is partially true. Tumakbo agad ako sa loob ng kwarto ko pero now, I'm sure na hindi ako makakatakas sa mga tanong nya. Magaala interviewer sya ngayon.
“Bilisan mo. May paguusapan pa tayo.”
“Ayyy!"
Nahulog ako sa kama. Putek. Nakakatakot kasi 'yung boses ni kuya. Ang sakit ng likod ko! Mukha pa akong sabog. Tch, babangon na nga.
“Ayyy, multooo!”
Nakakatakot! Nakakatakot 'yung mukha kooo.
Jusmiyo. Halatang halata na umiyak ako kasi namumugto talaga ang mata ko, as in eyebags to the max. Gulo gulo pa ang buhok ko, sabog sabog. Muntik ko na makamukha 'yung multo sa mga palabas, nakaputi pa ako. Pagkakataon nga naman. -.-
“Anyare d'yan?!” rinig kong sigaw ni kuya sa labas, narinig nya ata 'yung sigaw ko. Kinakatok nya 'yung pinto ng kwarto ko.
Napakamot agad ako sa ulo. “W-wala! Susunod na!"
“Tch, nakita mo siguro sarili mo sa salamin no? Panget." Rinig kong sabi nya habang pababa ng hagdan.
Aba't. Buset na kuya ko 'to. Masama na nga loob ko dadagdagan nya pa. Akala mo naman ang pogi nya mukha naman syang kwago.
Aishh, makapaghilamos na nga!
------------------------------*-*
“So, what happened back there?”

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Genç KurguAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...